Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, sumakay ng bus para makahabol sa Honesto taping

NAKATUTUWA ang video na ipinost ni Cristine Reyes sa Facebook.

Late na si Cristine sa kanyang taping ng soap opera sa Dos kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumakay sa bus noong Biyernes. Gahol na sa oras ang hitad dahil sa sobrang traffic sa EDSA noon.

Talagang ibinidyo ni Cristine ang kanyang pagsakay sa bus. Ininterbyu pa niya ang driver ng bus na si Alejandro Lunay habang tumatakbo ang bus.

“Idol si ko Alejandro Lunay dahil sumusunod siya sa patakaran ng kalsada natin dito sa Pilipinas. So, hindi siya nagko-cause ng traffic,” sabi ni Cristine sa video.

Out of her respect to the driver ay nag-post siya ng message na ito sa Facebook: ”Dapat binibigyan ng halaga ang mga taong katulad ni manong bus driver. Para tularan. Hindi puro na lang mga negative ang nasa news. Sana may good news din. Kasi marami pa ring mga mabubuting Pinoy. Hindi lang napapansin. :)”

Also, Cristine explained why she has to take a bus ride.

“Friday traffic insanity! Kailangan Ko na bumaba sa SUV at iwanan mommy and driver kasi I’m late na sa #Honesto taping! Here’s a proof that I’m really trying my best to make it before mag-resume ang taping. For airing kasi kaya kailangan na ako sa set ASAP! Sorry ate @imthehazelp @jerrylopezsineneng @rekdidarn bawi ako,” came her explanation.

Dennis, imposibleng bumalik ng Kapamilya Network

NEXT year ay may Star Cinema movie si Dennis Trillo. And since his contract is about to expire next month ay kumalat ang chismis na lalayasan niya ang Siete at lilipat na sa Dos.

Kaya lang, marami ang hindi gustong bumalik si Dennis sa ABS-CBN.

“Wag na marami nang nagsilipat s abs,bka mawalan n ng trabho yung mga tga abscbn tlga.kwawa nman cla,” one guy said.

“Wag na. Sobra2 na nga ang mga leading men sa abs, magdadagdag pa,” komento naman ng isa pa.

“Susss kelangan talaga sa star cinema gagawa ng movie? Dun sila sa gma flop films,” may halong pananaray ng comment ng isa pang guy.

Ang feeling namin ay hindi naman talaga lilipat sa Kapamilya Network si Dennis. Hangga’t naroroon ang maepal na beking naging dahilan  noon ng kanyang paglayas sa ABS-CBN ay hindi siya pipirma ng kontrata sa network.

This beki caused Dennis to jump ship and transfer to GMA-7. Feeling dyowa kasi ang baklita, lahat ng may kinalaman kay Dennis ay kanyang pinakikialaman. Hitsurang katulong ang drama ng hitad, walang araw na hindi niya tinatawagan ang actor at palagi siyang sumasama sa mga lakad nito.

Nalaman ito ng dyowa ni Dennis noon na si Carlene Aguilar at sinugod ang beki sa hallway ng Dos. Kung ano-anong masasakit na salita ang binitiwan daw ni Carlene laban sa beking ilusyonado.

Para wala ng gulo ay nagpasya na lang si Dennis na lumayas sa Dos.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …