NAGTARAY si Richard Yap sa Fashion Pulis blogger na nag-blind item sa kanya na nagpaparinig siya ng regalo sa fans sa kanyang Twitter account.
“I’ve heard that and if you can go through all my tweets ay wala akong hinihingi sa kahit na kanino. As much as possible ‘pag me nagsabi na ‘what do you want?’ ang sinasabi ko ‘you don’t need to bring anything,’” esplika ni Richard sa launching niya as Krem-Top Coffee Creamer endorser.
Galit si Richard when he said, “That guy has no credibility and I’m saying this on his face. I won’t waste my time on him, ‘di ba? He is supposed to be an educated person. He is from La Salle and he’s Chinese but with what he’s doing he’s bringing down the name of the institution he’s working for, his being a Chinese.”
Tama naman si Sir Chief. Mayaman na siya long before he joined showbiz kaya ‘wag naman siyang palabasing mukhang regalo at walang pera.
“At saka lahat ng mayroon ako ay mayroon na ako noong hindi pa ako pumasok ng showbiz. ‘Yung bahay ko, ‘yung mga kotse ko…Hindi ako nagba-brag. When I was still in kindergarten ay may Rolex na ako so I don’t have to ask from anyone and kaya kong trabahuhin lahat ito. Sa tingin ba niya, ang ibinibigay ng fans ‘yun lang ang ano ang gusto kong hingin sa fans?”
Bilang Krem-Top is promoting Change for the better Pilipinas campaign, mayroon ding pagbabago kay Richard.
“Siguro it has allowed me to become a better person, to be more patient. Noong bata ako ay nagmamadali ako palagi. Parati akong on the go. I think this has helped me to have the virtue of patience, ‘di lang patience for myself but for other people also.”
(Alex Brosas)