Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SpinNation ni Jasmine, pinuri ni MVP

ANG ang saya-saya ni Jasmine Curtis Smith noong Sabado sa live episode ng SpinNation dahil nasa loob pala ng studio ang kanyang special someone na si Sam Concepcion.

Sa SpinNation kasi ay may pinahuhulaang kanta at isa rito ay ang Dati na kinanta ni Sam na sa nakaraang Filipino Pop Music Festival na in-interpret ng binata kasama sina Tippy Dos Santos at Quest na isinulat naman nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana.

Sabi raw ni Jasmine, “kinikilig ako, gusto ko ‘yung kanta, magaling na singer ang kumanta nito.”

Napansing sweet sina Sam at Jasmine habang hindi pa nag-uumpisang umere ang SpinNation na binibigyan pa ng tips ng binata ang dalaga pagdating sa hosting.

“Sobrang suporta ni Sam kay Jas (tawag kay Jasmine) kaya ang ganda ng aura niya at buong show, kitang-kita mo na kinikilig talaga at hindi naman niya ito itinanggi,” say pa.

Samantala, ang pinaka-bossing  ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan ay natuwa raw sa magandang episode ng SpinNation kaya nag-text siya sa executive ng programa at binati si Jasmine na binasa naman sa ere at sabay pasalamat nang husto.

Nag-trending number sa number one ang #SpinNationPH ng tatlong beses kasama ang #ALLIHARVARDonSPINNationPH at #ILoveSPINNationPH kaya lahat ng tao sa studio ay tuwang-tuwa dahil maski na super late ng umeere ang programa ay pinanonood pala ito.

Nakatulong din sa trending sa SpinNation ang guesting ng America’s Next Top Model finalist na si Allison Harvard na kasalukuyang nasa Pilipinas.

Aliw ang lahat ng sumayaw si Allison ng Kapag Tumibok Ang Puso dahil sobrang game raw at feel na feel pa ang sayaw maski hindi naman naiintindihan ang lyrics ng kanta, ha, ha, ha.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …