AYAW nang pag-usapan ni Krista Miller ang pagkakasangkot niya kay Cesar Montanona siyang dahilan ng paghihiwalay nila ni Sunshine Cruz.
Mas gusto niyang pag-usapan ang torrid kissing scene at tikiman nila ni Mara Lopez sa pelikulang Kabaro na idinirehe ni Francis Jun Posadas. Tumatalakay ito sa same sex relationship nina Mara at Krista. Tuhog din sa gay relationship ng dalawang baguhan na sina Alrich Darren at Rockwell Delgado na nag-ahit pa raw sila para ‘di magkatusukan ng bigote. Kumbaga, tomboy sa tomboy, bakla sa bakla ang mapapanood dito na sumuporta sina Maria Isabel Lopez, Ace Castro, at Julia Varga.
Wala naman daw silang ilangang factor ni Mara nang gawin ang lovescene nila.
“Wala pong pandidiri na nangyari. Parang naging madali po ang love scene kasi magaling ding aktres si Mara. Alam din natin ‘yan. Naging professional lang po kami habang nagso-shoot. Iisipin mo lang na nakikipagtalik ka sa taong mahal mo,” deklara ni Krista.
May breast exposure raw sila sa love scene na ‘yun pero walang frontal nudity.
May lalaki ba siyang iniisip habang nakikipagtikiman kay Mara?
“Wala po. Basta dinamdam ko lang talaga siya na nakikipaghalikan ako sa taong mahal ko,” aniya pa.
Masarap ba ang makipaghalikan sa kapwa babae?
“Malambot naman po ‘yung labi ni Mara,” sabay tawa niya.
“Sakto lang po. Basta be professional lang,” sey pa niya.
WCOPA winners, handog ang variety/mini concert
IHAHANDOG ang isang variety show/mini-concert ng mga kabataang nagwagi sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) na taunang idinaraos sa California, USA.
Ang mga kabataang kampeon bilang mang-aawit sa nasabing international competition ay sina John MC Earl, Aldeza Ianna De la Torre (Junior World Champion), Beverly Caimen (Senior World Champion 2013), at Kath Loria (2008 champion).
Si John ay nagsimulang umawit sa edad na pitong taon na nakasama na rin sa concert nina Pops Fernandez, Luke Mijares, at Jovit Baldivino. Katatapos lang ni John mag-launch ng sariling album at ngayon ay nasa record bars nationwide. Itinuturing si John na Ambassador of Goodwill ngT3 Foundation.
Gaganapin ang konsiyerto sa Bagaberde Music Hall, Buendia Avenue cor. Roxas Boulevard Pasay City sa December 8, 9:00 p.m. para sa benefit ng T3 Foundation na kasalukuyang may programa para sa mga katutubo o cultural minority na hindi naaabot ng biyaya ng mga nasa siyudad.
Kaugnay nito ang pag-develop ng T3 Production ang Talent Center, production arm ng mga kabataang may talento na pinaniniwalaang malaki ang maiaambag sa mundo ng musika.
Bukod sa mga WCOPA champions, kasama rin sa konsiyerto ang mga dini-develop na talento ng T3PTC ang kahanga-hanga ring T3 Band na hindi pahuhuli sa mga mahuhusay na banda sa kanilang henerasyon.
Kasama rin ang mga batang talent na sina Kenneth Semira at ang isa pang discovery na si Justin Anthony Davis.
Ang T3PTC ay nasa pamamahala ni Michelle Estrada at sa pamamatnubay naman ng benefactor/pilontropong si Sir Bunso na siyang naniniwalang may ibubuga ang kabataang Pinoy sa mundo ng musika.
Roldan Castro