AGAD na tinanggap ni Niño Muhlach ang offer ni Direk Emman Dela Cruz na gumanap na bading sa Slumber Party.
“Exciting ‘yung character ko bilang bakla, gustong-gusto kong gawin ‘yung role talaga. First time ito, before kasi may movie ako, lalaki ako na nagba-bakla-baklaan. Dito pati ‘yung lingo ng mga bading, pinag-aralan ko. Ang hirap i-memorize ‘yung line, bading kasi ang words. Bago para sa akin, , na-okray agad ako kayDirek,” tsika ni Nino.
Nagbibirong sinabi ni Nino na naging peg niya sa pagiging beki ang kanyang Tita Nena (Amalia Fuentes) na agad namang binawi.
“Wala akong peg, kung naging bading talagaako, ganoon talaga ang kalalaban ko. Ang anak ko nga galit, nagalit sa akin nang umuwi ako galing shooting. Naka-make-up pa ako at nakapangbihis bading,” aniya.
Hindi na naghahanggad na sumikat tulad ng dati
Kahit pasundot-sundot lang ang paggawa ng pelikula ni Nino, patuloy naman ang kanyang mga movie project.
“Hindi ko naman ninanais pang sumikat tulad noong bata pa ako. Naabot ko na ‘yung kasikatan ko noon, tapos na ako roon. Basta ang importante, gusto ko ang ginagawa ko. Happy naman ako sa mga role na ibinibigay sa akin.”
Bubuhayin ang movie outfit para sa anak
Sa aming tsikahan, buong pagmamalaking sinabi ni Nino na ang kanyang anak na si Alonso ay mahilig ding mag-artista. Nang humarap ito sa amin, carbon copy nga siya ng kanyang ama. Bibo, madaldal, at super emote ang bagets sa harap ng mga photographer habang kinukunan silang mag-ama.
“Para kaming pinagbiyak na tabo. Para ngang nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong bata pa ako. Kung talagang gusto niyang mag-artista, hindi ko siya pipigilan. Susupor-tahan ko ang anak ko. Hindi naging pangit ang experience ko sa pag-aartista. ‘Yung iba kaya ayaw nila dahil may bad experience sila. Puwede kong muling buhayin ang movie outfit namin for him.
“May pinaplano na kami ni Direk Emman na movie project for my kid with Vice Ganda. Kung sakaling mag-artista na nga siAlonso, gusto kong gawing Nino Muhlach, Jr. ang screen name niya. Gusto ko mala-Tito Dolphy ang ‘Ang Nanay Kong Tatay’ ni Direk Lino Brocka. Nakausap ko na si Dingdong Dantes, siya‘yung gaganap bilang Phillip Salvador, okay na,” kuwento pa ni Nino.
Beki sa Slumber Party
It’s another journey for Nino playing gay role in the film Slumber Party. Para raw silang naglalaro lang sa set, masaya ang buong cast habang kinukunan ang bawat eksena.
Kung hindi mo nga raw kilala sina Markki Stroem, RK Bagatsing, at Archie Alemania pagkakamalan mong totoong beki ang mga ito. Kapag nag-emote na sa harap ng kamera, body language, pilantik ng mga kamay pati pananalita, talbog ang tunay na babae sa mga ito.
Say nga ni Gay Domingo (PR head), ”One of the most difficult assignments an actor can get is to play a gay role; only a few Filipino actors have accepted the challenge and passed with flying colors.”
Oo nga naman, mas effect mag-portray na beki ang tunay na lalaki kaysa totoong bading.
Another revelation for Nino ang Slumber Party. Sobrang pinabilib ng former child actor ang buong cast sa outstanding performance nito. ‘Ika nga, most memorable role-ever.
Eddie LittleField