Saturday , November 23 2024

Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors ipinakilala na!

MAGANDA ang layunin ng Hotel Sogo at Gandang Ricky Reyes sa pagbuo ng proyektong Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors (MMHSA), ito ay ang advocacy nila for promoting goodwill.

Ang MMHSA din daw ay tribute sa Modern Filipino at Filipina icons na ang virtues at ideals ay siyang simbolo ng isang unique Filipino culture at values.

Ipakikita ng 16 na contestant ng MMHSA ang magagandang katangian ng mga Pinoy gayundin ang kagandahan ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang advocacy statement. Ito ay ang pagpo-promote ng growth and development sa bawat contestant.

Ayon sa Hotel Sogo, ang mapipiling MMHSA ay bibigyan ng financial assistance in the form of cash prizes and employment opportunities; will recognize and honor them with the traditional Filipino traits of honesty, good character, talent, poise, intellect, leadership and good judgement; at magsisilbi silang modelo para sa iba pang kabataang may kaparehong goal at personal characteristics sa kanila.

Bale mapapanood ang MMHSA seach sa isang 13-segment ng Gandang Ricky Reyes sa GMA NewsTV11. Ipakikita rito ang 16 aspiring ambassadors ukol sa kanilang kanilang lives, inspirations and advocacies. Siyempre pa tampok din ang series of activities na gagawin ng 16 na nagpapakita ng kanilang eagerness at compassion para makatulong sa kanilang kapwa. At para maging Hotel Sogo Ambassador, dapat na maka-adapt sila sa anumang sitwasyon na may dignidad at tiwala.

Ang 16 na masuwerteng nakapasok sa MMHSA ay sina Vince Vargas, 20 ng Malabon City; Justine Ray Labandelo, 28 ng Olongapo City; Rendon Eligino Labador, 27 ng San Jose Del Monte, Bulacan; Angelo Erico Gabriel Bour Marzan, 21 ng Olongapo City; Frederick Edward Castor, 23 ng Marikina City; Reamark Reduccion, 19 ng Marikina City; Paul Andrew Belmonte, 22 ng Marikina City; Paul John Andasan, 22 ng Marikina City; Glaiza Sarmiento, 23 ng Makati City; Zandra Ramos, 28 ng Makati City; Avi Karlyn Pascual, 20 ng Manila; Bernadette Melissa Paex, 22 ng Sta. Rosa, Laguna; Honeylette Abiad, 26 ng Las Pinas City; Angelica Oba, 21 ng San Pablo, Laguna; Patria Lorinne Belmonte, 24 ng Marikina City; at Andrea Fatima Infante, 25 ng Makati City.

Ipinakilala ang 16 na magtutunggali bilang MMHSA kamakailan kasabay ang pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) ng Sogo Hotel at ng GRR.

Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *