Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Moi, PA pa rin ni Piolo kahit rumaraket sa pag-aartista

HINDI lang sina Kimmy at Dora ang inaabangan sa pelikulang Kimmy Dora Kyemeng Prequel dahil inaabangan din ang personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien na instant star simula noong mapanood siya sa unang franchise ng pelikula sa pagpatay nito ng ipis.

Madalas naming makita at makasalubong si Moi sa Morato area at sa ABS-CBN hallway na seryoso kaya hindi namin ini-expect na komedyana pala talaga siya off-camera.

Nagkatawanan ang mga dumalo sa presscon ng Kimmy Dora Kyemeng Prequel nang tanungin si Moi kung ano ang sinasabi niya kay Piolo kapag may tapings o shootings siya na hindi niya kasama ang aktor.

“Sabi ko po, ‘bye’” seryosong sagot ni Moi, sabay dugtong, “ano, sabi ko, magtatrabaho muna ako sa labas, mas mahal ang bayad dito (pelikula). Ano po, mayroon na akong tini-train na kasama na kapag wala ako, mayroon siyang makakasamang iba at mag-aalaga sa kanya.”

Kuwento naman sa amin ni Erickson Raymundo na kumuha kay Moi sa Kimmy Dora movies ay, “bilib ako sa taong ‘yan, ang galing at ang sipag. Hindi lang nakatapos, pero matalino (streetsmart) kaya nga kapag lumalabas ako, gusto ko siyang kasama parati kasi ang talas (pakiramdam).”

Kaya tinanong namin ang PA ni Piolo kung marami na siyang ipon, “wala pa po, hindi pa (mayaman).”

At pagkatapos ng interbyuhan sa presscon ng Kimmy Dora Kyemeng Prequel ay nagmamadali na siyang umuwi dahil padating na raw si Piolo at walang mag-aasikaso.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …