Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, pinaka-challenging kay Uge

ITINUTURING ni Eugene Domingo na ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ang pinaka-challenging sa lahat ng series ng Kimmy Dora.

“This is the most challenging Kimmy Dora due to training and fight scenes. Challenging also to think na prequel ito so, dapat parang uurong ang characterization ni Kimmy at ni Dora. I have discovered mas enjoy pala makipag-fight scene kaysa love scene! And the kiss of Sam is I guess the best kiss I have ever had so far in the movies at hindi sa lips ha,” sambit ni Uge sa presscon ng Kimmy Dora: The Kiyemeng Prequel na official entry ng Spring Films sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Bale ikatlo na nga itong Ang Kiyemeng Prequel. Kung super nag-enjoy na tayo noong 2009 sa Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme na idinirehe ni Bb. Joyce Bernal at isinulat ni Chris Martinez at muling nabighani sa ganda ng pelikula sa pamamagitan ng Temple of Kiyeme, mas matutuwa raw ang manonood sa Kiyemeng Prequel dahil iikot ang istorya nito sa internship ng dalawa nating bida na sina Dora at Kimmy bilang paghahanda sa mga mamanahin nilang mga negosyo ng kanilang pamilya.

Ipakikita sa pelikula ang matinding training na mararanasan nila sa pagtatrabaho bilang mga first layer staff ng kompanya. Mula sa pagiging security guard hanggang sa pagka-flight attendant at hindi makaliligtas ang dalawa. Sa buong internship ay gagabayan sila ng head ng Human Resources na si Rodin Bartoleeti na gagampanan ni Sam Milby. Habang nasa training ay magpapakitang-gilas din sina Kimmy at Dora sa pagpukaw ng puso ng binata. Kasama pa rin nina Kimmy at Dora si Elena (Moi Bien).

Inaasahang ito ang magiging pinakamatagumpay na series dahil magtatampok din ito sa mga repestadong bituin ng industriya tulad nina Joel Torre, Angel Aquino, at Ariel Ureta. Sa December 25 na ito mapapanood na co-producer ang Quantum Films at MJM Productions.
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …