BURADO na ang pangalan ng ilang Kapamilya actress para gumanap sa isa sa mga classic hit novel ni late Mars Ravelo na “Dyesebel.” At sabi, dalawa sa natira sa list na pinagpipilian ngayon ng ABS-CBN sa tiyak na pre-sold nilang fantaserye ay sina Erich Gonzales at Julia Montes. Bagay na bagay raw si Erich dahil sa taglay na Filipina beauty at si Julia naman ay perfect para sa role dahil sa wholesome niyang images. Honestly, nahihirapan ngayon ang production team na hahawak ng proyekto dahil lahat naman ng nag-audition para sa role ay pawang mga deserving to portray the role of Dyesebel. So, kung sino man ang mapipili ng Kapamilya network ay siguradong perfect choice siya para maging bagong Dyesebel. Base sa aming narinig ilan sa mga na-out sa lists ay sina Kristine Hermosa, Bea Alonzo, Anne Curtis at KC Concepcion. Kung ako naman ang tatanungin ay si Julia ang choice ko dahil sa fresh niyang face. Kayo sino ang bet niyo gyud!
MGA LOUNGE SINGER NA SINA MA. ELENA TAN AT JHOAN APARENTE, PAMBATO NG SIKAT NA HOTEL SA MABINI
Kung before ay iilan lang ang mga nanonood sa set ng mga lounge singer na sina Maria Elena Tan at Jhoan
Datu Aparente sa pag-aaring City Tower Hotel ng bossing friend namin na si sir Edgard Cabangon na located d’yan sa may Mabini St., Ermita Manila. Ngayon ay dinudumog na ng crowd ang dalawa at pinagkakagulohan na rin sila ng kanilang fans. Kasi naman sino ang hindi mag-e-enjoy kina Jhoan at Maria Elena gayong pareho silang magagaling na singer at hindi mananawa sa kanilang line-up of songs dahil paiba-iba sila ng repertoire. Hindi sila katulad ng ibang mga lounge singer na paulit-ulit lang ang mga kinakanta sa mga customer. Honestly mabigyan lang sila ng chance aba’y puwede rin silang maging recording star. Sana dumating ang time na mabigyan ng break ang mga pambatong singer ni sir Edgard lalo pa’t nasa kanila na ang lahat ng qualities para maging Diva. The singing teller pala ang bansag kay Jhoan dahil aside sa pagiging performer ay nagwo-work din siya sa kilalang bank sa Binondo. Dating waitress naman ng hotel ng mga Cabangon si Maria Elena at nang marinig ni sir Edgard na kumanta sa isang event ng kompanya nila, presto, ginawa siyang regular singer at ‘di naman nagkamali dahil mahusay nga. Mapapanood sila every Tuesday, Thursday and Saturday sa Citystate Tower Hotel.
DSWD, BUBWELTA SA MGA PAMBABATIKOS SA YOLANDA RELIEF OPERATIONS SA “THE BOTTOMLINE WITH BOY ABUNDA”
Babasagin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary na si Dinky Soliman ang kanyang katahimikan sa “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado (Disyembre 7) matapos ulanin ng pambabatikos ang gobyerno kaugnay ng relief operations sa mga nasalantang lugar ng super bagyong Yolanda. Ano ang mga pagsubok na kinaharap ng DSWD upang makapag-abot ng tulong sa Yolanda survivors lalo na noong kasagsagan ng storm surge sa probinsya? Totoo bang sinubukang hikayatin ni Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas si Alfred Romualdez na isuko ang kanyang posisyon bilang mayor ng Tacloban City? Sa palagay ni Sec. Soliman, ano ang mga tamang desisyon na ginawa ng Aquino Administration at paano pa nila mapabubuti ang sitwasyon ng calamity survivors sa Visayas? Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang 2013 CMMA Best Talk Show at PMPC Best Public Affairs Program na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndot- com sa Twitter.
Peter Ledesma