Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charice, walang dahilan para magpakamatay!

HINDI nakapagpigil na sumabog ang galit ng Pinay International Singer na si Charice sa kanyang bashers na nagkakalat na nag-suicide siya.

Idinaan na lamang ni Charice ang galit sa tweets tulad ng, “Appalled is the word I’m looking for. It’s what I feel right at this moment.

“Forget the bs (bullshit).

“Exaggerated people. Liars perhaps,” at “Good morning Chasters! We should all be thankful and be contented of what we have. Thank you Lord, thanks for the wonderful life.”

Hindi nga raw alam ni Charice kung saan nanggaling at kung sino ang nagpapakalat ng maling balita, dahil bakit nga naman daw siya magpapakamatay gayung masaya siya sa kanyang buhay, mapa-career man o lovelife.

Ryu Morikawa, super fan ni Sam Concepcion

CERTIFIED Sam Concepcion fan pala ang Japanese/Pinoy singer na si RYU Morikawa. Bukod kasi sa galing kumanta at sumayaw, magaling ding actor si Sam.

Bilib din daw ito kay Sam dahil hindi lang ito sa bansa sikat maging sa sa Indonesia at sa ilang karatig Asya ay kilalang-kilala at pinagkakaguluhan ang batang aktor.

Wish nga ni Ryu na maabot man lamang niya ang ¼ na kasikatang mayroon ngayon si Sam.

Sa ngayon, nakatakdang mag-show si Ryu sa Dec. 7 sa Starmall Alabang; Dec. 08  sa Starmall Edsa; Dec. 14 sa Starmall, Bulacan; at sa Dec. 28 sa Starmall, Las Pinas.

Makakasama ni Ryu sa mall tour ang Walang Tulugan all male group na 4G na kinabibilangan nina Merwyn Abel, Jasper Dela Cruz , Josh Izon, at Shaun Salvador at ang teen wward winning rapper na si DJ Joph  with Full Force Dancers at ang Walang Tulugan teen co-host  na si Kate Lapuz.

Nakatakda ring itong mag-perform sa enefit show ng Dominican School sa Espana para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

8th year ng Walk of Fame, matagumpay

MATAGUMPAY ang katatapos na 8th year ng Walk of Fame Philippines na ginanap sa Eastwood, Libis sa pangunguna ni Kuya Germs Moreno at sa tulong at suporta na rin ng very generous na si Madam Alice Eduardo.

Ayon kay Kuya Germs, apat na taon ng sumusuporta sa Walk of Fame Philippines si Madam Alice.

Ilan sa naidagdag  sa Walk of Fame ngayong taon sina Megan Young, Bembol Roco, TJ Trinidad, Gladys Reyes, Joel Torre, Wing Duo, Manding Claro, Joel Cruz , Manny and Pie Calayan, Precious Lara Quigaman, Melanie Marquez, Stella Marquez de Araneta, Margie Moran-Florendo, Jamie Rivera, Toni Gonzaga, Armi Kusela, Anderson Cooper , Rob Schnieder, Vicky Morales atbp..

Nagsilbing host sina Jackie lou Blanco, Sharmaine Santiago, at John Nite. Habang nagbigay naman ng awitin sina Pilita Corrales, Anthony Castelo na kasama si Cita Astal, Pilyo, Detour, Ken Chan, at UpGrade. Dumalo naman at nakisaya sina Shalala, Rene ng PEPS Salon at ilang miyembro ng Philippine Entertainment Press.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …