ALTHOUGH, hindi ganoon ang intensiyon ng production people na nagpapatakbo ng toprating program sa TV 5 na iniho-host nina Gellie de Belen at Christine Bersola ay napasama ‘yung guesting sa kanila ni Tiya Pusit. Nang ibuko ng beteranang komedyana on national TV ang dapat ay private nilang sexcapades ng boyfriend bagets na si Nathan.
Say ng ating source masyado raw napahiya si Nathan sa mga kasamahan sa call center company na kanyang pinapasukan na mataas ang kanyang posisyon. Ayos lang naman daw sana na magkuwento si Tiya Pusit sa kanilang relasyon at pagiging sweet sa isa’t isa. Pero ang hindi raw ma-take ni bagets ay ‘yung pati ang muntik-muntikan nang atakehin sa puso habang sila ay nagse-sex ay idinetalye pa raw ng karelasyong comedienne.
S’yempre very embarassing nga naman ‘yon for his part at baka isipin ng ibang tao ay sobrang libog niya. Ang ending ay mabilis na hiniwalayan ang nobyang artista.
So, malinaw na labas sa away ng dalawa ang Face the People kundi kasalanan lahat ni Tiya Pusit ang nangyari sa kanila ng nobyo. Kasi nga naging masyado siyang kiss and tell sa harap ng kamera. Well, sabi kung talagang mahal ni Nathan si Tiya Pusit ay inuunawa na lang niya lalo pa’t komedyante ang kinakasama.
Meaning mababaw lang ang love kaya’t mabilis niyang winakasan.
Very korek gyud!
CALL CENTER GIRL NI POKWANG NAKAKA- P40 MILYON NA SA TAKILYA
Sa grand presscon pa lang ng “Call Center Girl” na pinagbibidahan ni Pokwang, buong cast ay positive na ang vibes na magugustohan ng moviegoers ang pelikula nila na punong-puno ng katatawanan at aral sa buhay. Hindi nga talaga nagkamali si Pokie, Enchong Dee, Jessy Mendiola, John “Sweet” Lapus, Chokoliet, Ejay Falcon and the rest of the cast dahil ngayon pa lang ay umabot na sa P40 milyon ang kita ng “Call Center Girl” sa takilya. Tataas pa ang gross nito sa mga susunod na araw dahil sa word of mouth na sobra silang naaliw sa movie kung saan tawang-tawa sila kay Pokwang at sa mga kasamahang komedyante.
Ngayon ay puwede nang iluklok si Pokie bilang “Global Comedienne” na kanyang inaasam at wala nang puwedeng magkuwestiyon pa ‘no lalong-lalo ka na Manang Cristy Fermin na mapanglait ng kapwa.
At totoo ‘yung sinabi ni Sweet na tataas pa ang level ni Pokie as comedienne dahil sa latest movie nilang ito na idinirek ni Don Cuaresma na first time gumawa ng comedy.
S’yempre very proud naman ang Star Cinema at Skylight Films sa mga naabot ngayon ni mamang Pokie sa kanyang career. Mabait naman kasi kaya pinagpapala. Kaya kung ako sa inyo, huwag nang magpahuli watch na ng “Call Center Girl” sa inyong suking sinehan. Hindi lang dito sa Manila malakas ang pelikula kundi dinudumog rin sa Visayas at Mindanao.
Congratulations gyud!
TRIP NA TRIP SEGMENT NG EAT BULAGA MAY DONASYONG GROCERIES SA YOLANDA SURVIVORS
Bukod sa hiling na text ni Bossing Vic Sotto na tinugunan ng marami kasama ng mga dagsa-dagsang donation na relief goods na naipamahagi na sa maraming bilang ng mga survivor ng bagyong Yolanda, may isa pang segment ang Eat Bulaga na patuloy sa pagbibigay ng donasyong groceries sa mga kababayan natin sa Kabisayaan. At ‘yan ay ang kinatutuwaan ngayon ng televiewers na “Trip na Trip.” Daily kung ano ‘yung premyong mapapanalunan ng magwawaging contestant na two (2) carts of groceries ay dalawang cart rin ng iba’t ibang produkto ng pagkain ang ipinagkakaloob ng programa sa typhoon victims. So, kapag pinagsama-sama ito ay marami sa ating mga kapatid sa Tacloban, Borongan Samar, IloIlo at Cebu ang matutugunan ang pangangailangan sa pagkain na numero unong problema at daing ng lahat.
Hindi lang ‘yan may mga personalized EB shirts rin at cash na ipinamamahagi ang EB sa kanila. Marami pa silang ipadadala dahil hanggang ngayon ay continous pa rin ang public service ng EB Dabarkads.
Peter Ledesma