SIMPLE pero mas naging ma-kabuluhan ang ginanap na Christmas party ng PPL Entertainment Inc. ni Perry Lansigan last Monday. Napagpasyahan kasi ng PPL na ang mga pa-raffle at premyo para sa mga taga-entertainment press ay i-donate sa mga nasalanta ng super typhoon na Yolanda.
Nagbigay saya naman ito sa mga kapatid sa panulat, lalo’t ang TV5 at ABS CBN ay ki-nansela na ang kanilang Christmas party para sa press.
Full force na dumating doon ang mga talent ni Perry tulad nina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal, Wendell Ramos, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Rochelle Pangilinan, at iba pa.
Nang ma-corner namin si Dingdong, inusisa namin ang Tisoy na BF ni Marian Rivera ang ukol sa ginagawa nilang pagtulong sa nasalantang lugar sa Iloilo, partikular ang pagpapagawa ng classrooms na winasak ni Yolanda.
Binigyan diin muna ni Dong na kahit ganito ang nangyari sa ating bansa, dapat pa rin nating gunitain ang espesyal na araw nang kapanganakan ng ating Panginoon. Pero idinagdag niyang napagpasyahan nilang gawin itong mas simple para makalikom ng pondong maitutulong sa mga kababayan nating naging biktima ng kalamidad.
“Ngayong gabi, nakalikom na agad tayo ng pondo para makapagpagawa ng one whole classroom na iyon para sa Estancia Central Elementary School. Ibi-build siya from scratch e, dahil talagang wasak na wasak iyon e.
“Pero depende pa rin sa malilikom natin, kung ano ang magagawa natin para sa mga kababayan natin doon,” panimula niya.
Mas meaningful ba ang ganitong Christmas party sa palagay mo dahil nakakatulong kayo at the same time?
“Oo, kasi I think, parang ang hirap namang maglustay at masyadong magsaya dahil sa nangyari. Pero at the end of the day, kailangan pa rin nating magkita-kita, magtipon-tipon para magbigay ng pasasalamat. And at the same time ay makabuluhan ito dahil isipin mo, lahat tayo ay nagka-isa, nag-joint effort para sa isang bagay na talagang malayo ang mararating.
“So, ang ganda ng pakiramdam, mas meaningful ang Christmas kapag nakakatulong ka e,” nakangiting saad ng bidang actor sa TV series na Genesis ng GMA-7.
“Nang pumunta kami roon, nagkaklase sila kahit walang bubong, nandoon sila. Kaya I think they really deserve to have their classrooms back,” dagdag pa ng tinaguriang Primetime King ng Kapuso Network.
Max Collins, sobrang seryoso sa kanyang showbiz career
SI Max Collins ay isa pa sa PPL talents na nakahuntahan namin last Monday, December 2. Ayon sa magandang aktres, patuloy pa rin siya sa acting workshop para mas lalong mahasa siya sa bawat role na matotoka sa kanya.
Ngayon ay kasali siya sa SAS (Sunday All Stars) at Bubble Gang ng GMA-7, pero umaasa siyang makakagawa ulit ng pelikula, matapos sumabak sa indie film via Maryo J. delos Reyes’ The Bamboo Flowers.
“Love story na movie ang gusto kong gawin, bukod sa indie. Gusto kong ma-try na makagawa ng isang featured film, kasi never pa akong naging part ng ganyan.
hindi ko pa ito nata-try e.
“Inaabangan ko talaga ang susunod na teleserye ko sa GMA-7, iyon ang gustong-gusto kong gawin. Kasi, passion ko talaga ang pag-arte e. kaya doon ako tumututok,”
Unang break ni Max sa primetime drama series ng GMA Network ang Pahiram Ng Sandali. Kaya nang sumabak siya sa Bubble Gang, aminadong super kabado ang dalaga. “Takot na takot akong mag-guest sa Bubble Gang noon, pero sanay na ako ngayon.
“Sobrang chill kasi sa set namin, sobrang happy lang. Everyone is very relaxed kaya masaya naman siya. Pero nakaka-miss pa rin ang mag-drama,” saad pa ng tisay na aktres.
Nonie V. Nicasio