Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, nagulat sa balitang nanampal si Anne

SA Kimmy Dora (Ang Kyemeng Prequel) presscon ay kinulit namin nang husto si Sam Milby para kunan ng reaksiyon tungkol sa ex-girlfriend niyang si Anne Curtis na nasa balita ngayon dahil nanampal at nagsisigaw sa isang private party.

Napangiti si Sam dahil expected niyang matatanong siya tungkol dito, pero may lusot ang aktor dahil kahapon ng umaga lang daw niya nabasa ang isyu at ayaw niyang magbigay ng anumang reaksiyon.

“Wala ako roon sa event and you know, all I know is exactly what you guys, know and I don’t think it’s right for me na mag-comment ako sa issue kasi hindi naman ako kasali and it’s better na no comment na lang,” paliwanag ng aktor.

Nagulat daw si Sam sa balita pero naniniwala siyang malalampasan ito ni Anne, “this will pass. She admitted her mistakes, she’s done what she can and ang daming nagmamahal sa kanya, she has so many support from the people who love her, and like I said, this will pass.”

Tinanong namin kung tinext ba ni Sam ang dating karelasyon para kumustahin, pero, “hindi, kasi hindi kami close at hindi rin kami nagte-text.”

Pero ayon sa binata, “I admire her courage to admit her fault naman.”

Tinanong namin noong panahong sila pa ni Anne kung nangyari na rin ito at kung capable bang gawin ito ng dalaga, ang uminom at malasing.

“Whatever we had, I don’t wanna share it, it’s between me and her lang, so tapos na ‘yun, I hope you guys understand it kasi hindi naman maganda ‘yun na ikuwento ko sa inyo anuman mayroon kami before,” pangangatwiran ng aktor.

‘Yan ang gentleman, dahil hindi pumapatol si Sam sa mga isyung hindi naman siya kasama at hindi rin nagbibigay ng anumang impormasyon tungkol sa nakaraan nila ni Anne kaya naman maraming pinahanga ang aktor dito.

Samantala, mapapanood na ang Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel) sa Disyembre 25 bilang entry ng Spring Films co-produced ng Quantum Films at MJM Productions na pinagbibidahan nina Joel Torre, MOi Bien, Ariel Ureta Angel Aquino, Sam at Uge mula sa direksiyon ni Chris Martinez.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …