Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

La Greta, handang tumestigo laban kay Claudine

NARITO na pala sa Pilipinas si Gretchen Barretto at marami pa siyang pasabog kay Claudine Barretto. Kinikimkim lang niya at itinatago.

Pero buong ningning na sinabi ni Gretchen na ready siyang tumestigo ‘pag ipatatawag siya ng korte laban kay Claudine. Handa raw siyang mag-testify para kay Raymart Santiago. Wala raw siyang takot na ilahad ang katotohanan.

Jenny, inaming may mood swing si Claudine

NAKATSIKAHAN naming si Jenny Miller kamakailan. Si Jenny ay matalik na kaibigan ni Claudine Barretto simula nang magsama sila sa isang serye. Naging bridesmaid pa nga siya sa kasal nina Claudine at Raymart Santiago sa Tagaytay. Naging ninong at ninang naman ni Jenny ang mag-asawa nang ikasal siya.

Kumare at kumpare din niya ang mag-asawa.

Pero nakakapagtaka na last year pa raw na hindi sila nagkakausap ni Claudine.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Basta wala, walang communication. Hindi kasi ako yung tipo ng friend na ‘yung ipiprisinta ang sarili,” matipid na pahayag ni Jenny.

May something na nangyari sa friendship nila?

“Mayroon din, pero hindi na kailangang i-elaborate pa. I mean, normal naman na nangyayari sa kaibigan ‘yun, ‘di ba,” pag-amin ng aktres.

Hindi  niya alam kung may tampo si Claudine sa kanya dahil masaya pa ang huling pagkikita nila last year. Basta nandiyan lang daw siya para sa aktres. Pero ayaw daw niyang ma-involve sa gulo ng pamilya dahil kaibigan din niya ang mga kapatid ni  Claudine, love niya ang mga pamangkin nito gaya nina Julia at okey naman sila ni Raymart.

Na-encounter din ba niya ang pagiging sumpungin ni Claudine?

”Mahirap… mahirap ‘yung mood swing. Kaya kailangan, kapag kasama mo siya, titimplahin mo. Pero napakisamahan ko naman. Nakaya ko naman for, like, 10 years,” deklara niya.

Hindi naman daw siya napagod kay Claudine pero may priorities na siya ngayon sa buhay dahil may asawa na rin siya.

Basata mahal daw niya si Claudine bilang isang kaibigan.
Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …