Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UpGrade, special guest sa album launching ng One Direction

HAPPY ang  isa sa most sought after boyband sa bansa na UpGrade dahil  sa launching ng newest album ng pinakasikat na boyband, ang  One Direction sa Nobyembre 30 sa Glorietta 5. Bale ang sila ang magiging espesyal na panauhin.

Ang Internet Sensation at tinaguriang Twitter Cutties na grupong UpGrade na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Ron Galang, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Armond Bernas, Mark Baracael, at Miggy San Pablo ang isa sa napili ng Odyssey para umawit sa nasabing big event.

Kakantahin ng UpGrade ang ilang pinasikat na kanta ng One Direction at ilang kanta na nakapaloob sa bagong album nila. Nakatakda ring maging isa sa espesyal na panauhin sa Bgy. LS FM Baranggay Marilag Proj .04 QC sa Nov. 26 (Tuesday), 7:00 p.m. ang grupo.

Napapanood ang grupo sa Walang Tulugan with the Mastershowman every Saturday midnight at isa sa sought after endorser sa bansa. Ilan sa kanilang ineendoso ay ang Unisilvertime, Rescuederm, Royqueen Gadgets, Mario D Boro Shoes, at Dental First.

Arjo, naluha nang magwaging Best Supporting Actor

HINDI napigilang maluha at garalgal ang tinig habang ibinibigay ni Arjo Atayde ang kanyang thank you speech nang tanghaling Best Supporting Actor para sa kanyang mahusay na pagganap sa Dugong Buhay  sa katatapos na Star Awards for Television.

Inialay ni Arjo ang kanyang pagwawagi sa lahat ng taong tumulong sa kanya lalong-lalo na sa kanyang pamilya at very supportive Mom at Lola.

Hindi nga raw inakala ni Arjo na kahit bagito pa sa showbiz ay mapapansin ang kanyang galing sa pag-arte. Ito nga raw ang ikalawang pagwawagi nito ng award na ang una ay ng noong tanghalin siyang Best New TV Actor sa Star Awards for TV 2012.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …