Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Germs, binastos ng Polyeast (Ken at Jake, ‘di raw plastic ang pagbabati)

ITINANGGI ni Kuya Germs Moreno na hindi totoo ang pagbabati nina Jake Vargas at Ken Chan dahil kay Bea Binene. May mga nang-iintriga kasi na nagpaplastikan pa rin ang dalawa kahit inayos na sila  ng Master Showman.

Feeling kasi ni Ken ay nabastos siya nang kumanta at mag-finale sina Bea at Jake para sa promo ng album nila ni Bea sa isang mall. Silang dalawa ang magkasama sa album, bakit si Jake ang nasa finale?

Kagagawan daw iyon ng  mga namamahala sa recording outfit ni Bea. Ni wala nga silang paghingi ng sorry kay Kuya Germs na pinakanta roon si Jake na walang paalam sa kanya at for free pa yata.

Nasa abroad siya that time  pero hindi nila hinintay ang kasagutan ni Kuya Germs bilang manager. Wala rin daw balak si Jake na kumanta sa nasabing event at agawan ng moment si Ken pero how true na ang naturang recording outfit din ang nag-provide ng minus one para makakanta sina Bea at Jake?

Lalo pang nabastos  si Ken dahil ang sabi umano ng PolyEast ay hindi ito album nila kundi album ni Bea. Teka-teka, paano mo sasabihin ‘yun samantalang sa 10 kanta ay anim ang kinanta roon ni Ken, dalawang solo at apat ang duet nila ni Bea.

Paki-explain nga at paki-clear PolyEast Records?
Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …