Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gretchen, may kredibilidad pa nga ba?

NAGBAGO na ba si Gretchen Barretto sa kanyang mga basher?

Ito ang tanong namin nang mapanood ang Youtube bideo uploaded by Ogie Diaz for Buzz ng Bayan online.

Kasi naman, parang biglang naging sweet itong si Gretchen sa kanyang online haters. From a fighting feline ay biglang naging sweet pussycat ang hitad, the transformation being biglang-bigla yata.

“Naiintindihan ko kayo kung saan man kayo, kung anuman ang naisiip n’yo,” sabi ni La Greta about her bashers.

Wasn’t it just weeks ago where Greta took a swipe at her haters at talagang tinarayan niya ito? Bakit parang ambilis magbago ng tingin ni Gretchen sa kanyang bashers?

At very thankful pa ang hitad dahil ”kung wala kayo, eh, ‘di wala rin akong projects, hindi rin ako interesting sa mga tao.”

Anong drama ‘yan La Greta?

At one point during the interview ay tinanong siya ni Ogie kung there was a time na napikon na siya sa kanyang bashers.

Aba, ang La Greta, hindi yata feel amining napikon siya.

“Nasasaktan,” sambit niya. ”Pikon is very…parang masyadong (mabigat na term) para sabihing napipikon. Nasasaktan (ako). Tao rin lang po ako, nasasaktan ako. Ang kaibahan lang po ay artista ako pero nasasaktan ako,” esplika niya.

Helllooooooooo? Obvious bang nag-init ang ulo mo at napikon ka rin naman sa pamba-bash na inabot mo especially nang tinarayan mo at ibulgar mo ang baho ng iyong ina? Magtigil ka nga, ‘no. ‘Wag kang plastic!

Ang nakaloloka pang drama ni Gretchen ay balak pa niyang gamitin ang sakit na naramdaman niya sa kanyang future project sa ABS-CBN.

“At gagamitin ko po ang lahat ng sakit na ‘yan, makikita n’yo, balang-araw ‘pag shooting ko ng December,” sabi niya.

Granting nagamit mo na, mag-iiba ba naman ang acting ng hamonadang aktres na ito?

Ang higit naming ikinaloka ay nang sinabi ni La Greta na ”my credibility is intact.

“Sa ilang taon ko sa showbusiness ay wala akong itinago, wala akong idinenay kahit masama. Alam nila kung ano ako, kung sino ako, rito ako lumaki. Kung ano ang mayroon ako ay dahil ‘yon sa showbusiness. ‘Yung credibility ko is important. It’s everything to me,” sabi pa niya.

Kailan pa?!!

Pagliligawan nina Andres at Oryang, ikinakilig ng mga estudyante

WE were invited by Alwin Ignacio to watch Katipunan: Mga Anak ng Bayan at the AFP Theater last weekend.

Hindi naman siya napahiya dahil winner ang  production na ito ng Gantimpala Theater na idinirehe nina Joel Lamangan at pinagbidahan nina Sandino Martin as Andres Bonifacio; Rita de Guzman as Gregoria de Jesus; and RJ Jimenez as Emilio Jacinto.

To begin with, contemporary ang music at talagang pinaghalo ang mga genre. Although patriotic pa rin ang approach ng lyrics ay na-appreciate naman ito ng mga estudyanteng nanood dahil mayroon hiphop at rap numbers. Hindi rin masakit sa tenga ang music. Credit goes to RJ Jimenez na siyang gumawa ng music.

Ang higit naming ikinaloka ay ang stage chemistry ng pumapel na Andres at Oryang na sina Sandino and Rita respectively. Hit na hit sa young audience ang kanilang romance at marami talaga ang kinilig. Halos mabingi kami sa hiyawan at sigawan nang magligawan sila. Tili kung tili ang mga estudyante.

Anyway, for tickets: AFP Theater shows, call 9985622/8720261 or visit www.facebook.com/gantimpala. Follow us on twitter @gantimpala_tf.

Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …