Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, inirereklamo, pangakong suweldo kahit walang show ‘di tinupad

MAY mga nag-text sa amin mula sa mga rating staff ng show ni Willie Revillame na Wowowillie na tsugi na saTV5 dahil ang pangakong tuloy-tuloy pa rin ang suweldo nila maski na wala na ang programa ay hindi naman daw tinupad ng nasabing TV host.

Ilang beses daw itong sinasabi ni Willie sa ere noong umeere pa ang programa niya at maging sa mga panayam nito sa pahayagan ay ito rin ang laman pero bakit hindi naman daw tinupad?

Umaasa kay Willie ang maliliit na empleado niya tulad ng utility na naging loyalista sa kanya, wardrobe/labandera at iba pa.

“Okay lang ang mga dancer, host, make-up artist, may mga raket namang makukuha ‘yan, eh, kaming maliliit na tao?  Hindi naman kami puwedeng pumasok na sa ibang show kasi buo na ang tao roon, may mga sarili ng team.

“ At saka sariling tao ni Willie kasi mga bitbit niya kaya noong nawala siya, walang sumalo kaya gutom kami,”paliwanag sa amin.

Tinext naman namin ang ibang kakilala naming co-host ni Willie sa programa niya tungkol sa pangako nitong tuloy-tuloy ang suweldo maski na wala na sila, “ay wala po,” tipid na sagot sa amin.

Pero may nagsabi naman na, “ang alam ko, binayaran sila (utility etc) hanggang ngayo ng December,  hindi kolang alam kung natuloy.”

Eh, malamang hindi natuloy kasi bakit nagrereklamo ngayon itong mga dating naninilbihan kay Willie?
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …