Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Uge, ‘di na-take two sa pagsasabinng ‘our first year anniversary’

KUMBAGA SA bananacue, tuhog din ang kuwentong ito tungkol kina Eugene Domingoat Jeric Teng (anak ng dating hardcourt superstar na si Alvin) sa magkahiwalay na palabas sa GMA nitong Sabado.

Bubusina muna kami sa kanilang mga pinanggalingang paaralan: sa UP  nagtapos ng kursong Theatre Arts si Uge, at sa DLSU presently enrolled naman si Jeric.

Uunahin muna namin si Jeric who, in fairness, can pass for an artista. Guest kasi silang magkapatid (the other one being Jeron) sa segment ni Heart Evangelista sa Startalkna Heart of the Matter. The sibling presence sent everyone in the studio screaming and shrieking, palibhasa’y ang lakas naman kasi ng dating ng mga basketbolistang ito.

The interview proper initially began with Heart making the Teng brothers choose between two opposing traits ng isang babae based on their preference. At one point, pinapili ni Heart sina Jeron at Jeric kung alin sa dalawa ang kanilang hanap sa chicks: slim or voluptuous?

Sagot ni Jeric: ”Ano bang ibig sabihin ng ‘voluptuous’?”

Gumabi na nitong Sabado, nakatutok naman kami sa pagpapatuloy ng unang taong pagdiriwang ng Celebrity Bluff hosted by Uge. Bukod sa kanyang opening spiels ay makalawang beses niyang buong ningning na sinabing, ”This is in celebration of our ‘first year anniversary’!”

Year na, anniversary pa? Hindi man lang ba ‘yon napansin ng head writer o ng director na puwede namang i-retake since it’s a canned show?

Kung sabagay, most common mistake na sa mga host ang ganitong redundancy. Again, such boo-boos are not meant as a slur against Uge’s and Jeric’s schools.

Daniel at Heart, maghaharap sa Heart of the Matter

KUNG walang aberyang mangyayari between now and Saturday, ang susunod na isasalang sa segment ni Heart Evangelista sa Startalk ay ang kanyang ex-dyowang si Daniel Matsunaga. Aprub na kay Heart ang guesting ni Daniel, but will the latter be most willing to show up?

Naiintindihan namin ang outright ”Yes!” ni Heart to the idea of having her former Brazilian-Japanese beau, after all, bahagi na ‘yon ng nakaraan regardless kung mayroon na siyang Senator Chiz Escudero.

To most people though, tila walang malinaw na closure sa kanilang paghihiwalay, na basta-basta na lang nagwakas after bumisita’t nakilala pa ni Heart ang partido ni Daniel sa Brazil.

The impression left by their sudden breakup had a lot to do with their career status. Nagkataong namamayagpag ang career ni Heart while Daniel’s work was unstable, his projects were few and far between.

Sa kauna-unahan bang pagkakataon makaraan ng kanilang paghihiwalay ay maglalabasan na sina Heart at Daniel ng tunay na dahilan why their relationship crumbled?

Will there be a subtle sumbatan on either side? Aminin din kaya ni Daniel ang kanyang pagkukulang o kakapusan? Will he admit to being happy for Heart na nakatagpo na ito ng mas karapat-dapat na karelasyon?

Is Heart just as happy kung sinuman ang minamahal ngayon ng dating kasintahan? In summation, ano kayang “heart of the matter” ang ibabahagi ni Heart inspite of her failed relationship with Daniel?

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …