Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngiping ‘pating’ ni Daniel, challenge sa mga Orthodontic

NAKATANGGAP kami ng tawag mula sa aming Orthodontics na gustong ayusin ng libre ang mga ngipin ni DanielPadilla.

Sabi ng aming dentista, tatlo palang silang orthodontics na lisensiyado rito sa Pilipinas ng latest technology ng fast braces na ibig sabihin ay puwedeng maayos na ang sungking ngipin sa loob lang ng anim hanggang isang buwan.

Ayon pa, ‘yung iba raw kasi ay kailangang may bunuting ngipin para dumiretso ang ngipin, pero sa latest technology na tinapos niya sa Dallas, USA ay mapapabilis na ang proseso.

Binanggit namin ito sa mommy ni Daniel na si Karla Estrada at gustong-gusto nga raw niya ito at ipagpapaalam lang niya sa production ng Got to Believe dahil baka makaapekto sa continuity ng programa.

Walang hinihinging kapalit o publicity ang aming orthodontics dahil sikat na naman siya at marami na rin siyang artistang inayusan ng ngipin, concerned lang daw siya sa ngipin ng aktor bukod pa sa challenge raw sa kanya dahil hindi biro ang kaso ng batang aktor.

Oo nga, napansin din namin na kaya tipid sigurong tumawa si Daniel ay dahil conscious siya sa mga ngipin niya na parang ngipin ng pating, tama ba Ateng Maricris?

Bukod dito ay baka raw kasi ‘pag nagtagal ay baka tumabingi ang mukha ni Daniel dahil sa bite niya na hindi pantay.

“Sayang ang pagiging guwapo niya kaya habang bata pa siya, ayusin na niya.  Saka okay lang naman na naka-brace siya sa ‘Got To Believe’ kasi mayaman naman ang papel niya roon ‘di ba?”  katwiran sa amin ng Orthodontics.

And speaking of Got To  Believe, nag-level up na sa ‘TNT’ o ‘Tayo Na ‘di Tayo’ ang status ng relasyon nina Daniel at Kathryn  Bernardo sa nasabing kilig serye dahil sa sunod-sunod na pagsubok sa kanila ng karakter ni CarminaVillaroel na si Julianna.

Sa pagpapakilala kay Joaquin (Daniel) sa Crillon Ball ni Madam Lucille (Tetchie Agbayani) ay magagawa ba ng serbidorang si Chichay na tapatan ang mga ‘prisensa’ ng mayayaman o susukuan niyang sabayan ang kasosyalan ng mga kasing yaman ng mga San Juan?

Magtatagumpay ba si Julianna sa planong paghiwalayin sina Joaquin at Chichay? Patuloy na damahin ang kakaibang magic ng pag-ibig sa most romantic series ng 2013, Got To Believe gabi-gabi

Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, o videos, mag-log on lamang sa www.got2believe.abs-cbn.com at sa official social media accounts ng programa sa www.facebook.com/G2B at www.twitter.com/G2BGottobelieve.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …