Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jeric at Jeron Teng, showbiz na showbiz na ang dating

UNTI-UNTING nagpapakitang-gilas sa showbiz ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng.

Noong Linggo ay dumalo sila sa 27th PMPC Star Awards for Television sa AFP Theater na silang dalawa ay ginawang presentor.

Kahit kagagaling lang si Jeric sa laro ng PBA para sa Rain or Shine kontra Ginebra sa Araneta Coliseum ay hindi ito nagpakita ng kaunting pagod at natalo pa ang kanyang team.

Katunayan, parehong kering-keri sina Jeric at Jeron sa kanilang suot na tuxedo habang kasama nila ang kanilang mga magulang na sina Alvin at Susan Teng.

Kung tutuusin, magaling mag-basketball sina Jeric at Jeron dahil dating player ng San Miguel Beer ang kanyang ama.

Mula noong naglaban silang dalawa sa finals ng UAAP para sa UST at La Salle ay abala ang magkapatid sa mga TV guestings sa iba’t ibang mga estasyon.

Naging guest pa nga si Jeron sa isang episode ng teleseryeng Got To Believe nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng ABS-CBN.

Sa gitna ng kanilang paminsan-minsang pagsabak sa showbiz, iginiit ni Susan na prioridad ng kanyang dalawang anak ang kanilang paglalaro sa basketball.

Bukod dito, nag-aaral si Jeron sa La Salle habang naglalaro siya sa Green Archers.

Sa aming matagal na pagiging sportswriter at movie columnist dito sa Hataw, nakikita natin ang ilang mga manlalaro ng PBA na nakikihalo rin sa showbiz tulad nina James Yap, Chris Tiu, Dondon Hontiveros at marami pang iba.

Sana ay pag-isipan nila na ang basketball at ang showbiz ay magkaibang mundo at kailangang isa lang ang dapat piliin sa kanilang karera.

(JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …