Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gaganap na Dyesebel, hinahanap pa

KALIWA’T kanan ang natanggap naming mensahe noong Lunes ng gabi ng mabasa nila sa post ang, ‘abangan ang muling paglangoy niya’ na ang tinutukoy ay si Dyesebel.

Kaya naman tinawagan namin ang publicity head ng Dreamscape Unit na si Eric John Salut kung sino ang gaganap na Dyesebel base sa post niya sa Instagram.

“Ay wala pa, may audition wala pa, pero ito ang biggest project for 2014, parang ‘Juan de la Cruz’ ang dating, kaya pinaghahandaan na,” paliwanag sa amin.

Ito halos ang pahayag sa amin ng isa pang TV executive na wala pa rin daw gaganap na Dyesebel.

“Wala pa talaga, kasi lahat ‘yan dadaan sa audition, sikat o hindi, pero kung ako ang tatanungin, dapat fresh hindi ‘yung sikat na para bago naman, kaso kung bago, baka naman hindi pansinin, well depende siguro, bakit naman ‘yung ‘Aryana’, hindi naman sikat ‘yung gumanap, pero naka-ilang season, ‘di ba?

“Pero kasi, malaking pangalan ang Dyesebel, so siguro medyo sikat ang kukunin pero as of now, wala pa talaga, pinaiingay lang,” pagtatapat sa amin.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …