Tuesday , November 26 2024

First time winners sa Star Awards, pahabaan ng speech (ABS-CBN at GMA 7, hati sa tropeo bilang Best TV station)

AFTER 18 years, naulit na naman ang pagta-tie ng Best TV Station ng PMPC Star Awards for TV. Noong 1995 ay tie rin ang ABS-CBN 2 at GMA 7.

Parehong nanalo ang dalawang higanteng estasyon sa ginanap na 27th PMPC Star Awards for TV.

Naging comedy pa ang dating dahil hiniram ni Kuya Germs ang tropeo na hawak ni Sir Bong Osorio (ABS-CBN Corporate Communications Head) habang nagpapasalamat siya para sa pagkapanalo ng GMA 7.

“Hiniram ko lang naman kasi nagpapasalamat ka wala namang tangan na trophy,” sey ng Mastershowman.

Ang nakatatawa pa, nakalimutang ibalik ni Kuya Germs dahil pagbaba niya ay may mga tao na siyang kausap. Pero binawi rin  sa kanya ng mga taga-ABS ang  Best Station trophy. Ipagagawa pa ang tropeo para sa GMA 7 dahil nagtabla.

Maraming first timer na tumanggap ng acting awards kaya pahabaan sila ng speech gaya nina Aaron Villaflor bilang Best Drama Supporting Actor sa Juan Dela Cruz (hindi rin nagpahuli sa haba ng speech ang ka-tie niyang si Arjo Atayde), KC Concepcion bilang Best Drama Supporting Actress, Nikki Gil (Best Single Performance By An Actress), at ang bida sa Annaliza na si Andrea Brillantes (Best Child Performer).

Rebelasyon at kontrobersiyal ang acceptance speech ni Andrea na binu-bully siya ng ilang  bata sa Goin’ Bulilit at sinasabihang pangit at hindi mananalo ng award. Hindi rin niya mapigilang umiyak.

First time rin na nanalo si Luis Manzano bilang Best Game Show Host kaya todo ang pasasalamat niya. Nakatanggap na siya ng Best Male TV Host, Best Reality Competition Host, Best Talent Show Host pero  ngayon lang sa game show. Kompleto na ang award niya pagdating sa hosting. Sabay umalis sa awards night sina KC at Luis.

May intriga rin na umiwas si Billy Crawford kay Nikki Gil kaya hindi nakadalo sa Star Awards. Parehong wagi ang mag-ex. Nanalo si Billy bilang Best Male TV host para sa I’ts Showtime.

Nagpasalamat na lang siya sa It’s Showtime sa napanalunan niya na  binigyan pa siya ng bulaklak na terno sa suot niya. Nagkabiruan sa bulaklak na ‘yun at sey ni Billy, “Confused na naman ako, heto na naman ako, Ha!ha!ha!”

Proud naman si Kris Aquino kahit tinalo siya ni Vice Ganda bilang Best Celebrity Talk Show Host. Share-share lang daw ang drama.

Sabi ni Kris sa kanyang award winning program na Kris TV, “Ako ‘yung nanalo last year, pero hindi nanalo ang (‘Kris TV’). O ngayon show ang nanalo pero si Vice ang nanalo, so congrats asawa.”

Itinanghal namanng Male Star of the Night si Coco Martin at si Kim Chiu ang Female Star of the Night.

Ginawaran si Mr. German ng plaque of appreciation para sa kanyang mga ‘di matatawarang kontribusyon sa Philippine television.

Naging madamdamin naman ang pagkakatanggap ni Kitchie Benedicto ng Ading Ferrnando Lifetime Achievement Award at Rey Langit sa Excellence in Broadcasting.

Ang kabuuan ng 27th PMPC Star Awards for TV ay mapapanood sa ABS-CBN Sunday’s Best sa December 1, 2013,  at ito’y mula sa Airtime Marketing Philippines ni Ms. Tess Celestino at idinirehe ni Al Quinn.

Narito ang iba pang mga nagsipagwagi: Best Primetime Drama Series-Juan Dela Cruz, Best Daytime Drama Series—Be Careful With My Heart, Best Drama Actress—Marian Rivera, Temptation Of Wife; Best Drama Actor—Coco Martin, Juan dela Cruz at Richard Yap, Be Careful With My Heart; Best Drama Supporting Actress—KC Concepcion, Huwag Ka Lang Mawawala; Best Drama Supporting Actor, Arjo Atayde, Dugong Buhay at Arron Villaflor, Juan Dela Cruz; Best Drama Anthology—Magpakailanman;

Best Single Performance by an Actress— Nikki Gil, MMK-Ilog ; Best Single Performance by an Actor—Carlo Aquino, MMK-Pulang Laso; Best Child Performer—Andrea Brillantes, Annaliza; Best New Male TV Personality— Ruru Madrid, Maynila, Faith In Love; Best New Female TV Personality—Janella Salvador, Be Careful With My Heart;

Best Gag Show—Banana Split: Extra Scoop at Bubble Gang; Best Comedy Show—Pepito Manoloto; Best Actor—Michael V, Bubble Gang;  Best Comedy Actress—Rufa Mae Quinto, Bubble Gang;

Best Musical Variety how— ASAP 18;  Best Variety Show—It’s Showtime; Best Female TV Host—Anne Curtis, It’s Showtime; Best Male TV Host—Billy Crawford, It’s Showtime; Best Public Service Program—Imbestigador; Best Public Service Program Host—Vicky Morales, Wish Ko Lang; Best Horror/Fantasy Program-Wansapanataym; Best Reality Competition Program—Extra Challenge;

Best Reality Competition Program Host—Judy Ann Santos-Agoncillo, Master Chef PinoyEdition; Best Game Show—Celebrity Bluff/ GMA 7; Best Game Show Host—Luis Manzano, Deal Or No Deal; Best Talent Search Program—Talentadong Pinoy, TV5;

Best Talent Search Program Host—Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Robi Domingo, The Voice Of The Philippines; Best Youth Oriented Program—Luv U; Best Education Program—Born To Be Wild; Bet Educational Program Host—Kim Atienza, Matang Lawin; Best Celebrity Talk Show—Kris TV; Best Celebrity Talk Show Host—Vice Ganda, Gandang Gabi Bayan; Best Documentary Program—I-Witness, GMA 7; Best Documentary Program Host—Kara David, Sandra Aguinaldo , Howie Severino, Jay Taruc, I – Witness; Best Documentary Special—Gusto Kong Mag-aral , ABS- CBN 2; Best Magazine Show—I Juander/ GMA NEWS TV; Best Magazine Show Host—Jessica Soho, Kapuso Mo Jessica Soho;

Best News Program—State Of The Nation, GMA NEWS TV; Best Male Newscaster—Julius Babao, TV Patrol; Best Female Newscaster—Karen Davila, Bandila; Best Morning Show—Umagang Kay Ganda; Best Morning Show Host—Arnold Clavio, Rhea Santos-De Guzman, Lyn Ching-Pascual, Suzi Entrata-Abrera, Danilo Federez, LharSantiago, Love Añover, Atty. Gabby Concepcion, Drew Arellano, Winnie Monsod, Pia Archangel, Luanne Dy, Connie Sison, Monica Verallo, Nathaniel Cruz, TonipetGaba, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, Unang Hirit.

Best Public Affairs Program—The Bottomline With Boy Abunda; Best Public Affairs Program Host—Boy Abunda, The Bottomline With Boy Abunda ; Best Showbiz Oriented Tal Show—Startalk, Best Male Showbiz Oriented Talk Show— Ogie Diaz, Showbiz Inside Report; Best Female Showbiz Oriented Talk Show Host—Cristy Fermin, Ang Latest;  Best Children Show—Batibot, TV5; Best Children Show Host—Sabrina Man, Miggy Jimenez, Lianne Valentino, Isabel “Lenlen” Frial, Nomer Limatog , Miggs Cuaderno, KyleDanielle Ocampo, Potchi Mascot (Strawberry), TropangPochi;

Best Travel Show—Biyahe Ni Drew/GMA NEWS TV; Best Travel Show Host—Richard Gutierrez, Pinoy Adventure; Best Lifestyle Show—Convergence, NET 25; Best Lifestyle Show Host—Solenn Heussaff, Fashbook.

Best TV Station— ABS-CBN and GMA 7.

Ading Fernando Achievement Award— Kitchie Benedicto at Excellence in Broadcasting—Rey Langit.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PAni Rommel Placente SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez …

Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa …

Showtime GMA 7

It’s Showtime renewal sa GMA pinag-uusapan pa

I-FLEXni Jun Nardo “WE are now in the process of negotiations for the renewal of …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Direk may kakaibang modus kapalit ang pagpi-finance ng kanyang movie

ni Ed de Leon Kaya pala ipinipilit ni direk ang isang male starlet na ipakilala niya sa isang kaibigan …

Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday

HATAWANni Ed de Leon MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *