Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea, binu-bully ng mga kasamahan sa Goin’ Bulilit (Kaya grabeng iyak nang tanggapin ang Best Child Actress award)

ISA kami sa natuwa sa pagkapanalo ni Andrea Brillantes bilang Best Child Actress sa nakaraang PMPC Star Awards para sa seryeng Annaliza noong Linggo ng gabi na ginanap sa AFP Theater dahil deserving talaga siya.

Matagal na naming nabanggit ito sa mga katoto na mahusay si Andrea at darating ang araw na sisikat nang husto ang bagets.

Samantala, kuwento ng mga katoto at ng ilang nakapanood ng awards night na nagulat sila sa acceptance speech ni Andrea dahil umiiyak siya.

Nabanggit daw ng batang aktres na sobra-sobrang pasalamat niya sa PMPC Star Awards dahil naniniwala sila sa kakayahan niya. Marami raw kasi ang hindi naniniwala sa kanya lalo na ang mga kasamahan niya.

Ipinagtanong namin kung ano ang pinagdaraanan ni Andrea at nalaman namin na binu-bully pala siya ng mga kasamahan niya sa Goin’ Bulilit.

Ay, true-to-life ang papel ni Andrea sa Annaliza?

“”Yung mga nanay kasi ng mga bagets sa ‘Goin’ Bulilit’, kanya-kanyang bidahan ng mga anak, eh, hayun nahahawa mga anak at dahil mabait si Andrea, isa siya sa biktima ng pambu-bully,” kuwento sa amin ng nakaaalam kung bakit napaiyak ang bagets.

Hmm, dapat siguro imbestigahan ito ng bossing ng Goin’ Bulilit dahil hindi maganda ito baka magkaroon ng trauma ang mga bata.

At ang mga nanay naman ng mga bagets sa Goin’ Bulilit, huwag na kayong makigulo dahil hindi maganda ‘yan para sa mga anak ninyo.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …