Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ronnie Liang, mentor sina Direk Elwood at Atty. Vince

DALAWANG matitinik na director ang tumututok sa singer na si Ronnie Liang para sa kanyang launching movie titled Object of Desire. Sila’y kapwa award winning at tinitingala sa kanilang respective field. Sila’y sina Direk Elwood Perez at Direk Vince Tañada. Ang una ay award winning director sa pelikula, samantalang si Atty. Vince naman ay marami nang nakuhang award bilang actor at director sa teatro.

Kaya naman sinasabing ibang Ronnie ang mapapanood  sa naturang pelikula.

Ibang lebel na nga si Ronnie, dahil pagsasabyain niya ang singing at ang pag-arte sa harap ng camera.

Although mayroon na rin namang acting experience si Ronnie tulad ng sa Ako Legal Wife (Mano Po 4)bilang love interest ni John Prats at saka sa Betty La Fea and Your Song ng ABS CBN, itinuturing niyang malaking break sa kanyang career ang pelikulang Object of Desire.

Ayon kay Ronnie, tinanggap niya ang movie ni Direk Elwood dahil nais niyang samantalahin ang ganitong mga oportunidad.”Madalang lang dumating ang opportunity so I have to accept it,” saad ng singer/actor.

Aminado si Ronnie na sexy ang role niya rito, subalit hindi pa raw ito puwedeng i-reveal. Ang patikim lang muna niya ay mae-excite raw ang mga manonood ng pelikula nila.

Pero balita namin ay mayroon silang love scene ng co-star niya ritong si Direk Vince, kaya sure akong maraming mag-aabang dito. Si Vince na isa ring professor at abogado ay unang nagbida sa pelikulang Otso na pinamahalaan din ni Direk Elwood.

Bukod kay Direk Vince, magiging bahagi rin ng Object of Desire ang mga miyembro ng Philippine Stagers Foundation na itinatag at pinamumunuan niya.

Si Direk Vince ang tumayong ‘acting coach’ ni Ronnie, itinalaga siya ni Direk Elwood para rito.  “As co-actor and a fellow artist, I felt I need to help Ronnie”, saad ni Vince. “He’s still quite new in the acting business, samantalang ako ay halos isang dekada nang umaarte sa teatro at nagtuturo ng acting sa mga baguhang theater actors.”

Nang usisain pa namin si Direk Vince kung ano ang masasabi niya kay Ronnie bilang actor, ito ang naging sagot niya, “Ronnie has a great potential in acting. His innocent face fits the role that he is portraying. I know that he will get a lot of praises from critics in this movie.”

Anyway, kahit sumabak na sa acting si Ronnie ay tuloy pa rin siya sa kanyang singing career. Last September ay nag-Gold na ang album niyang Ronnie Liang: May Minamahal at umaasa si Ronnie na sa susunod ay magiging Platinum naman ang kanyang album.

First album  ni Tyrone Oneza, may magic touch ni Vehnee Saturno

KAABANG-ABANG ang unang album ng dating That’s Entertainment member na si Tyrone Oneza. Maganda ang carrier single ni Tyrone  na pinamagatang Dito Sa Aking Piling. Ang henyong composer na si Vehnee Saturno ang lumikha ng naturang awitin.

‘Ika nga, may magic touch at may tatak Saturno ito, kaya malaki ang potential na maging hit. Bukod sa carrier single na ito ni Tyrone na very catchy ang dating, may bonus track pa ang unang album niya na bagay na bagay ngayon dahil isa itong kantang Pamasko na pinamagatang Ikaw ang Christmas Ko. Kaya naniniwala ako na kapag na-promote nang maayos ang album ni Tyrone, posibleng maging potential hit ito para sa singer at dating actor.

Kabilang sa mga kanta sa kanyang album ang Hanggang Ngayo’y Ikaw, Nag-Iisa Ako, Pangako, Kahit Konting Pagtingin, Nanghihinayang, at Sinta.

Nabanggit sa akin ni Tyrone na pinaghahandaan na niya ngayon ang launching ng kanyang album at ang gagawin niyang pagpo-promote rito. Kabilang siyempre sa show na mapapanood si Tyrone ay sa Walang Tulugan ni Kuya Germs o German Moreno na sobrang supportive kay Tyrone.

Goodluck sa iyo Tyrone, I’m sure sa paggabay sa iyo ng batikang composer na si Vehnee Saturno,  mararating  mo ang iyong mga pangarap.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …