Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga artista ng GMA, ‘di popular sa mga UST student (Mas kilala pa ang ilang taga-TV5)

NAKAKUWENTUHAN namin ang mga estudyante ng University of Santo Tomas tungkol sa ginanap na kick-off party ng USTV noong Huwebes ng gabi na may mga artistang bisita mula sa ABS-CBN, TV5, at GMA 7.

Kuwento nila na naroon daw ang mga nanalong look-alike nina Nicki Minaj, Apl de Ap, Mr. Bean, at Coco Martin sa Showtime at ang The Voice winner na si Mitoy kasama sina Klarisse at Janice at ang Mutya ng Masa na si Doris Bigornia.

“Akala namin si Coco Martin talaga, ha, ha, ha,” masayang sabi sa amin.

Marami-rami naman daw GMA artists kaso hindi raw pamilyar sa mga estudyante ang mga ito.

“Ate, isa lang talaga ang pinalakpakan nang husto, si Mikael Daez na naging host for GMA, the rest hindi namin knows. Ay, ‘yung kapatid pala ni Daniel Padilla, si RJ ba ‘yun? Sumayaw at kumanta at hindi masyadong pinalakpakan, noong nagpakilala siya bilang kapatid ni Daniel Padilla ay at saka lang po siya pinalakpakan ng todo,” sabi pa.

At tatlong artists lang daw sa TV5 na mas kilala pa raw, “ay in fairness ate, grabe ang palakpakan sa Juan Direction, Gee Canlas, nag-host siya at si Jasmine Curtis na taga-TV5.”

Ano naman ang ginawa ni Jasmin, “ikinuwento ‘yung show niya sa TV5, nagpatawa, may ibang natatawa, may ibang hindi, mas natatawa kay Gee Canlas kasi comedy talaga,” sabi sa amin.

Samatala, ngayong gabi, 11:00-12:00, mapapanood ang Spinnation program ni Jasmin sa TV5 na first social media music show.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …