Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristoffer, ‘di nagpalamon sa acting ni Rita

MARAMI ang naiingit sa big break na ibinigay ng GMA kina Kristoffer Martin at Julie Ann San Jose dahil bida na sila sa isang teleserye.

Matindi ang casting na isinuporta sa dalawa. Lalo na si Kristofer na planong i-build up bilang dramatic young actor. Malaking suporta ang aktres na si Rita Avila, ang nawawalang ina ng bagets, at hindi inaasahang magkita sa bahay pa ng nililigawang si Julie Ann.

Lumalaban ang bagets sa acting ni Rita. Knowing Rita, wala siyang pakialam, kahit tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha. Hindi siya katulad ng ibang aktres na-pa-beauty habang umiiyak.

Maganda ring kombinasyon, dahil ka-kontra ni Rita si Eula Valdez, na nakaengkuwentro na n’ya saABS-CBN.

Magaling si Kristofer, malalim umakting. Mata lamang niya ang pinagagalaw habang nag-eemote.

Rocco, pinasisikat din ng GMA

MAHIRAP ang role ni Rocco Nacino sa isang serye sa GMA.

Imagine, bida na, kontrabida pa bilang lover boy nina Lovi Poe at Charee Pineda. Matagal na sanang nabigyan ng break noon si Rocco, pero feeling daw niya, ngayon pa lamang ang takdang panahon.

Pinasisikat din si Rocco ng GMA dahil magaganda ang mga ibinibigay nilang project dito.

Tiyak na lalo pang pag-uusapan ang actor dahil sa pagbibida sa Indi film na Pedro Calungsod.

Teka akala  namin si AJ Muhlach, utol ni Aga Muhlach ang napili para sa proyektong ito? May potential din kasi ang utol ni Aga. Problema, wala namang project na naibibigay sa kanya ang TV5. Sayang, marami pa namang fans si AJ.

***

Personal….Gumaganda ang Baliuag, Bulacan today sa pamumuno ng bagong Mayor Dra. Carol Dellosa. May kahilingan lang po kami kay Mayor, sana po magkaroon ng newstand ng dyaryo, na puwedeng mabilhan anytime. Malaking tulong po ito para sa mga Baliwagenios.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …