Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, mapapanood na uli sa TV Patrol!

SIGURO’Y matatapos na ang espekulasyon ng marami na sinuspinde ng ABS-CBN2 ang veteran broadcaster na si Korina Sanchez. Mismong si Korina na kasi ang nagsabing anytime ay babalik na siya sa TV Patrol at mapapanood sa Rated K. Minsan na rin namin siyang narinig sa kanyang kanyang radio program sa DZMM, ang Rated Korina.

Lumabas ang haka-hakang sinuspinde o pinagbakasyon si Korina matapos bigyang kulay ang sinabi nito ukol kay CNN reporter Anderson Cooper.

Ayon mismo kay Korina sa interview sa kanya ni Jasmin Romero kamakailan, walang katotohanan ang mga lumalabas na balita. Na siyang tunay din naman dahil hanggang ngayon, wala pang statement na ipinalalabas ang Kapamilya Network. Kaya negative ang balitang suspended o pinagbakasyon si Korina.

Ang totoo, kaya wala si Korina sa kanyang mga show ay dahil gumagawa ito ng special report para sa kanyang Rated K show at ito’y matutunghayan daw ngayong Linggo.

“Matagal na kasing naka-schedule ang ‘Rated K’ sa pag-iikot sa mga nasalanta ng iba’t ibang delubyo, so ito’y trabaho,” paglilinaw ni Korina.

Aniya pa, ipakikita nila sa kanyang show ang mga pinuntahan nilang lugar sa Western Visayas tulad ng Bohol, Ormoc, Capiz, Iloilo, gayundin ang Palawan.

“So, tatapusin ko lang ito, babalik ako riyan! Inaayos ko lang ito for airing namin, para sa darating na Sunday,” giit pa ni Korina.

Ayon naman sa isang mapagkakatiwalaang source, anytime now ay mapapanood na rin si Korina sa TV Patrol (baka nga habang isinusulat namin ito ay mapanood na si Korina) kaya abangan ang kanyang pagbabalik-pagbabalita.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …