Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isabel, ipinalit kay Jessy bilang San Mig Coffee muse

NAKAUSAP namin si Isabel Oli pagkatapos ng PBA opening at sinabi niya sa amin na okey lang na second choice siya bilang muse dahil matagal na siyang nanonood ng mga laro.

Nakuha ng San Mig Coffee si Isabel bilang muse kapalit ng unang choice na si Jessy Mendiola na hindi pinayagan ng ABS-CBN dahil may ASAP na kasabay sa PBA noong Linggo.

“James Yap is just a friend of mine,” muling paliwanag ni Isabel tungkol sa pambatong player ng San Mig na dating na-link sa aktres. ”Pero first time ko as a muse and it was really nervous.”

Nanood pa ni Isabel ang game ng San Mig at Ginebra pagkatapos ng opening at sinabi rin niya na pareho sila ng boyfriend niyang si John Prats na mahilig manood ng basketball.

Idinagdag ni Isabel na ang kanyang pagiging mahilig sa sports ay dahilan kung bakit host siya ng sports program na Sports Pilipinas tuwing Linggo sa GMA News TV 11.
(JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …