Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalawang director parehong nagnasa kay Gabby Concepcion

PAREHONG inamin nina direk Wenn Deramas na Creative Producer at director ng “When the Love is Gone” na si Andoy Ranay na nagnasa sila sa kaguwapohan at kamachohan ni Gabby Concepcion na bida ng nasabing pelikula along with Cristine Reyes, Alice Dixson, Andi Eigenmann and Jake Cuenca. “Hot, desirable, sexy dashing at debonaire,” ‘yan ang parehong description ng mga director sa actor. Sayang at kasalukuyang nasa Amerika si Gabo at ‘di niya narinig ang mga papuri sa kanya ni direk Wenn at Andoy.

By the way, palabas na ang “When the Love is Gone” sa November 27 at magkakaroon ito ng international screening sa Los Angeles, San Francisco, San Diego, Las Vegas, Hawaii, Washington, Arizona at iba pang part ng Amerika na dadaluhan siyempre ng ilang cast.

Bongga gyud!

VICTOR BASA, SOOO SEXY!

Any day this month ay paalis na ang grupo ng MHL (My Husband’s Lover) papuntang US. Dahil sa tindi ng success nito sa telebisyon, masasabing sinira nito ang rating ng ibang kasabayang TV series.

“Oo nga po at very proud talaga ang grupo, hindi man po kalakihan ang role ko dun!”

Sa isang banda, inamin din ni Victor Basa na marami ang nakapansin sa kanya sa papel niya sa My Husband’s Lover. Kasunod niyang project ang story ni Pedro Calunsod na sini-shoot na rin. Nakita rin ng Cotton Club Apparel ang magandang built at katawan niya para kuning bagong endorser.

“We want him, kasi ‘yung image na malinis, may disiplina sa katawan at talagang bagay na bagay sa kanya ang magsuot ng aming mga produkto!” sabi ni Joel Capulong, Marketing manager ng Wellcome Global. “Very thankful po naman ako. Bukod sa pag-aartista, napakikinabangan ko ang pag-aalaga ko sa aking katawan. Discipline and determination kasama ang tamang pagkain at regular na ehersisyo kaya nananatiling maganda ang aking katawan,” sabi ni Victor Basa.

ALING CITA, NABIYAYAAN NG DAANG-DAANG LIBONG PISO SA SUGOD-BAHAY SA BARANGAY

Hindi sukat akalain ng mangga vendor na si Aling Cita ng Brgy. 791, Zone 86 Sta. Ana, Manila na sa kabila ng kahirapang dinaranas ng kanyang pamilya ay kakatok pa rin ang suwerte sa kanya. Yes, si Aling Cita ang siyang nabunot ni Bossing Vic Sotto last Wednesday para manalo ng sangkatutak na papremyo sa Sugod-Bahay sa Barangay. Sa hiling ng nasabing ginang na sana ay maipagawa ang bahay ng mga magulang sa Capiz na nasira ng super bagyong Yolanda. Imbes P45K ang cash na regalo sa kanya ng Eat Bulaga ay ginawa itong P70K ni Bossing. S’yempre tinanggap rin ni Aling Cita ang mga regular na premyong cash, cellphone, grocery items, motorsiklo, passbook at ATM mula sa Bossing Savings Bank na ipinamimigay ng Bulaga sa mga residenteng winner nila daily mula sa iba’t ibang Barangay sa loob at labas ng Mega Manila. Umabot sa halos P200,000 ang cash na naibigay sa nasabing winner.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …