Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, ginayuma si Sam

MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon ang Kapamilya stars na sina Sam Milby at Alex Gonzaga ngayong Sabado (Nobyembre 23) sa ikalawang episode ng Wansapanataym Christmas Special.

Sa episode na pinamagatang Fruitcake, gagampanan ni Sam ang karakter ni Charles, ang gwapong boss na kinahuhumalingan ng ‘ugly-duckling’ na si Elaine, na bibigyang buhay naman ni Alex. Unti-unting matutupad ang pangarap ni Elaine na mapaibig si Charles nang mapagkalooban siya ng magic bowl na mistulang may gayuma na nagpapaganda ng kanyang anyo sa paningin ng sinomang kakain ng fruitcake na ginagawa niya rito.

Ano ang gagawin ni Elaine kung sakaling ang gayuma na ginagamit niya ay maubos? Mapatunayan kaya niya kay Charles na siya ay karapat-dapat mahalin ano man ang hitsura niya?

Kasama nina Sam at Alex sa Fruitcake episode sina Arlene Muhlach, William Martinez, Clarence Delgado, Thou Reyes, Beauty Gonzales, Eda Nolan, at Hermie Concepcion. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksiyon ni Tots Sanchez-Mariscal.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Wansapanataym Christmas Special sa storybook ng batang Pinoy, ngayong Sabado, 6:45 p.m., pagkatapos ng Bet On Your Baby sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …