Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abby, aminadong ikinahiya ang pagiging kalbo

SA tuwing dadalo kami ng presscons para sa isang produkto ay parati naming tinatanong sa aming sarili kung talagang ginagamit o tinatangkilik ng mga nag-eendoso ang produktong ito o tinanggap dahil lang sa talent fees at exposure.

May mga kakilala kasi kaming personalidad na hindi naman talaga tinatangkilik ang ine-endoso nila kaya kapag napapanood namin ang TVC nila ay napapailing kami.

Nang dumalo kami sa launching ng Novuhair Topical Scalp Lotion nature’s answer to hair loss ay talagang pinakinggan namin ang mga kuwento ng kilalang hairstylist at aktor na si Fanny Serrano dahil matagal na pala niyang ginagamit ang nasabing produkto na sinubukan lang niya at epektibo kaya ito na rin ang iminumungkahi niya sa mga customer niya sa salon na may problema sa pagtubo ng buhok.

“Matagal na akong gumagamit ng Novuhair, pero ngayon lang ako kinuhang endorser. At dahil subok ko at talagang effective, ito ang isina-suggest ko sa mga kliyente ko sa salon, ‘yung may mga problema rin sa buhok, kumbaga suggestion ko lang kasi nakita nila na kumapal ang buhok ko at tinatanong nila ako kung anong ginawa ko, sabi ko lang, Novuhair.

“Tapos after ilang months, babalik sila (customers) at magpapasalamat sa akin kasi effective raw at may mga baby hair ng tumutubo sa scalp nila, so ako, natuwa kasi nakatulong pala ako.

“Hanggang sa tinawagan ko ‘yung taga-Novuhair para ipaalam na effective pala ‘yung product nila tapos nagpakilala ako at sabi nga, ang tagal na nilang ini-launch ito sa market.

“I’m 65 years old at wala naman akong mapapala kung nanloloko ako ng tao kasi masaya na ako kung anuman mayroon ako ngayon.”

Bukod kay Fanny ay isa rin sa nagbigay ng testimonya si Abby Asistio, isang songwriter, singer at TV host na anak ni Veronica Jones kay dating Caloocan Mayor Boy Asistio.

Ilang beses na rin naming nakikita si Abby sa ABS-CBN at talagang napapalingon kami sa kanya dahil ang ganda niyang babae, matangkad, magaling manamit, pero kalbo at base rin sa obserbasyon namin ay confident siya sa looks niya, pero deep inside ay inamin niyang insecure siya sa hitsura niya at idinadaan lang niya sa porma.

“Ikinahiya ko po talaga ‘yung kakulangan (buhok) na ‘yun na hindi ko po ipinakikita kaya po ako nagsusumbrero at nagwi-wig while growing-up.

“Pero last year po, napagdesisyonan ko na hindi ‘yun hadlang sa anuman ang gusto kong gawin sa buhay na ibig sabihin, I’m less than everyone because I don’t have hair.

“Kaya naman po sa ganoong pagkakaroon ng acceptance, imagine n’yo po ‘yung hope na naibigay sa akin na mayroon palang ganoong produkto na puwede pa palang tumubo ang buhok ko kasi ilang taon (26 years) ko na pong dinadala na hopeless na, kalbo na lang ako forever na talagang ini-imagine ko tungkol sa future na ‘pag ikinasal ako, naka-wig ako, kaya talagang inisip ko wala ng pag-asa.

“Kaya noong nasimulan kong gamitin ‘yung Novuhair, sa totoo lang po, I really had no expectations. Ginamit ko po officially March (2013) kasi December ako kinausap ng mga taga-Novuhair so March lang ako nag-start hanggang ngayon ginagamit ko o at heto, may buhok na ako after five (5) months dati talaga kalbo ako kasi ang findings sa akin alopecia areata, so heto may buhok na ako.

“Simula noong gamitin ko, kumakapal at tumataba po ‘yung mga buhok at hindi na nalalagas, minsan pasaway pa ako, ginaganyan (sinasabunutan) ko pa ang buhok ko just to check kung may matatanggal,” balik-tanaw ni Abby.

Base naman sa pahayag ni Ms Sheila Mae Velilla, president ng Nutramedia, Inc, “we at Novuhair are very happy to welcome Abby to the family. Perfect candidate si Abby para ipakita kung gaano ka-epektibo ang Novuhair and we are glad to see visible results.”

At para sa kaalaman ng lahat ay herbal ang Novuhair na gawa sa moringa (malunggay leaves) oleifera, panax ginseng, virgin coconut oil, at essences ng rosemary at lavender sa madaling salita ay walang halong kemikal na magiging sanhi ng side effects na ikasisira ng anit natin.
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …