Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, nagpaka-‘Diva’ at VIP (Kahit sa opening ng basketball…)

LUTANG na lutang  ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagbubukas ng Philippine Basketball Association Philippine Cup noong Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum. Si Marian ay muse ng Barangay Ginebra San Miguel dahil siya ang napiling calendar girl ng nasabing alak para sa susunod na taon.

Seksing-seksi si Marian sa kanyang pulang long gown at tinilian siya ng fans ng Ginebra na nanood sa Big Dome bago ang laro ng koponan kontra San Mig Coffee.

Ngunit sa gitna nito, talagang diva ang dating ni Marian dahil dumating siya sa Araneta ilang minuto bago nagsimula ang opening ceremonies.

At hindi lang iyan, inilagay si Marian sa VIP room mag-isa kasama  ang kanyang mga alalay sa backstage habang sa hiwalay na kuwarto ipinasok ang ibang muses tulad nina Isabel Oli, Maxene Magalona, at Lauren Young na parehong Kapuso stars din.

Umalis kaagad si Marian pagkatapos ng programa at hindi na niya pinanood ang game ng Ginebra, bukod sa pag-isnab sa mga interview ng mga media sa kanya.

Sa ipinakitang ugali ni Marian noong Linggo, talagang malaki ang ipinagbago niya mula noong siya’y huling naging muse ng Talk n’ Text noong 2007 PBA opening.

Noong panahong iyon ay hindi siya maarte at kasundo niya ang  players, fans at kasamang muses.

Ngayon, sa lahat ng mga nangyari sa kanyang career, talagang masasabi natin na iba na ang mundong tinatakbo ngayon ni Marian.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …