“PAG-UWING-PAG-UWI niya, bukas na bukas din, agad-agad, magse-sex na kami ng asawa ko (referring to Ogie Alcasid who was in Dumaguete attending the Elements bootcamp with other musikeros) ng bonggang-bongga!” ang natatawang sagot ng Asia’s songbird na si Regine Velasquez sa mga nagtanong sa kanya kung susundan na ba nila ang two-year old nilang si Nate.
Humarap si Regine sa album launch ng kanyang Hulog ng Langit for Universal Records na ang carrier single ay ginawa pa ng US-based composer na si Aaron Paul del Rosario (na siya ring gumawa ng Pagkakataon na pinasikat ni Ogie Alcasid).
Kasabay nito ang pagbibigay ng donasyon ng Universal Records sa pangunguna ni Mr. Ramon Chuaying at Kathleen Dy-Go sa Philippine National Red Cross thru vice-chairman Nesty Isla.
Nang mag-celebrate ng 2nd birthday si Nate eh, siya namang pag-daluyong ni Yolanda noong November 8.
Sabi ni Songbird mahilig daw si Nate sa musika at kapag inaantok na ito eh nagpapahele sa ina at sa ikatlong tugtog pa lang tulog na.
“But when he watched on TV ipinapalipat niya talaga sa ‘widor’ (weather) channel. I don’t know he has a penchant for that. Ayun, bagyo noong mag-birthday siya. Baka balang-araw maging weather man siya.”
Nasa bahay na raw ng kapatid niyang si Cacai ang kanilang amang si Mang Gerry.
“But he’s updated sa mga kaganapan sa paligid. Kaya nga my Sundays are really for the family. Doon kami sa kanya stay for our bonding. Kaya as much as possible I don’t want to work ‘pag linggo. Then our church service.”
Sabi ni Regine, ang naturang album ay dedicated niya sa anak na si Nate although may two love songs na included doon na para sa kanyang mister. Ito ang mga awitin ngPhilpop interpreters na sina Karylle (Sa ‘Yo na Lang Ako) at Araw, Lupa, Langit.
Nag-duet din sila ni Ogie sa Bruno Mars song na Just The Way You Are na nilagyan ng bagong areglo.
Kung nag-donate ang Universal sa PNRC ng half a million para sa advance sales din ng album, on her own naman sige sa kaka-auction si Songbird ng kanyang personal things na may mga sentimental value sa kanya eh, mapupunta naman sa mas nangangailangan ang kikitain. Umabot ng 10 days ang nasabing auction.
“And kami rin ng mga sister ko, nagbibigay kami ng time namin to be at Villamor Airbase para magbigay ng toys sa kids na alam nating apektado sobra. ‘Yung isa kong sister nasa Divisoria ngayon to buy coloring books kasi ang dami pang dumarating na mga bata. Tapos may soup kitchen din kasi every three hours kailangan mag-serve ng food. So pati mga gamit ni Nate na napagliitan na. ‘Yung iba four times lang nagamit. Mga regalo ng ninang. ‘Yung iba nagka-stain lang pero lahat magagamit. Hindi ko nga ma-watch sa TV ang mga feature na may mga batang nawalan ng mahal sa buhay, nawala, namatay. Ayoko tingnan. Masakit talaga sa puso ng isang ina. At alam ko na ang pakiramdam.
“When Nate and I went to the US for my series of shows, kaming dalawa lang. Nagkasakit siya, eh. Kaunting kibot lang naka-text na ako sa doktor niya. Mahirap. Pero ‘yun nga-iba ang sayang bigay sa ‘yo-talagang hulog ng langit.”
Christmas will be for Nate, sabi ng songbird.
“Mahirap din naman kasi na i-deprive ‘yun sa bata. Kawawa naman. ‘Yun nga lang ida-down scale na lang. And ‘yun nga ang reason for the season naman is the birth of the Lord. So Christmas for most of us would be different this year. Dapat may HK kami with MVP. Party niya for his people. They cancelled it para i-donate na lang. Kaya sa bahay namin mayroon for Nate. It should be celebrated.”
Ang biro nga kay songbird. Sa tuwing birthday ni Nate maaalala raw nila lagi ang daluyong ni Yolanda.
Sa gagawin nilang baby ni Ogie sa pag-uwi nito-kung babae raw kaya, ano kaya ang magiging name?
Tawa lang nang tawa si Songbird kapag ang pagbubuntis niya uli ang inuusisa. Pati ang kanta kapag nagse-sex daw sila, alin daw kaya roon sa nasa album ang kanta nila.
Natatawa pero pabiro nakasasagot pa rin ng ”Ang bastos mo. Hahaha! Nakikialam ka. Hahaha!”
Abangan! Hahaha!
Pilar Mateo