Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, ‘di totoong sinuspinde o pinagbakasyon! (Nasa Capiz, Iloilo, at Zamboanga para sa Rated K)

ILANG araw naming tinatawagan at itine-text ang mga taga-ABS-CBN Corporate Communication tungkol sa tinatanong naming official statement sa hindi pagre-report niKorina Sanchez sa TV Patrol at hindi nito pag-upo sa radio program niyang Rated Korina sa DZMM ay finally tinext back na rin kami noong Martes ng gabi ni Mr. Kane Choa.

Sabi ni Kane sa kanyang mensahe, ”wala (official statement), nai-interview kanina si Korina sa DZMM, you can quote her based on the interview.”

Anyway, naisip din namin na kung totoong suspended o pinagbakasyon nga si Korina, ‘di ba dapat ay may ipinadadalang official statement ang ABS-CBN management para maliwanagan ang lahat?

At habang tinitipa namin ang balitang ito ay nakatanggap kami ng tawag na ayaw ipabanggit ang pangalan at klinaro ang nasulat namin dito sa Hataw noong isang araw na pinagbakasyon si Korina.

“Reggs, hindi po totoong pinagbakasyon si Korina, kasi she’s working now for her ‘Rated K’ episodes.

“Nasulat po kasi ninyo na pinagbakasyon siya, it’s not true po, of this moment po, she’s on her way to Iloilo at Zamboanga, kagagaling lang po niya ng Capiz for her ‘Rated K’ episodes,” paliwanag sa amin.

Sabi pa, ”kasi kung pinagbakasyon po siya, dapat wala siyang ginagawa, eh, tuloy-tuloy pa naman po ang trabaho niya, in fact she is doing her own relief goods na nanggaling po sa bulsa niya at not from anybody. This will be aired sa ‘Rated K’ po.”

Tama rin naman dahil kung totoong pinagbakasyon si Korina, bakit nga siya gumagawa ng istorya para sa Rated K? Hindi ba kung nakabakasyon dapat namamasyal lang, ano sa palagay mo Ateng Maricris?

Eh, kailan ba babalik si Korina sa TV Patrol at sa Rated Korina?

“Anytime soon po. Puwedeng mamaya or tomorrow,” kaswal na sabi sa amin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …