Monday , December 23 2024

Mumbai Love, nakakikilig na pagmamahalan ng 2 taong nagmula sa ibang panig ng mundo

HINDI isang ordinaryong love story ang Mumbai Love. Ito’y tungkol sa isang lalaki at babae na nagmula sa dalawang magkaibang daigdig, mula sa dalawang bansa at kultura, na hahamakin ang lahat; maging lahi man o tradisyong mana, matupad lang ang pag-iibigang tunay. Ito’y hindi lamang pagmamahalan ng dalawang tao. Ito’y matamis na pag-iisang-dibdib ng dalawang magkaibang-kultura na pinag-sanib ng pag-ibig, kapalaran, at sayaw.

Si Nandi, isang matagumpay na Indian-Filipino, ay naniniwala na matatagpuan niya sa mundong ito ang magiging kaisa ng kanyang puso sa pamamagitan ng kapalaran. Subali’t ang kanyang mga magulang ay matapat pa ring sumusunod sa makalumang tradisyon ng India. Si Ella naman ay isang young businesswoman na namimili at umaangkat ng  accessories para sa isang jewelry shop sa Makati. Dadalhin siya ng kanyang gawain sa Mumbai, India na lingid sa kanyang kaalaman ay matatagpuan pala ang kanyang ‘dream boat’, hindi nga lang niya alam na ito’y manggagaling sa parteng ito ng mundo.

By some magic of fate, ang dalawa ay magkakatagpo  at magsisimula isa isang whirlwind friendship at romance ang kanilang pagkikita. Subali’t mapagbiro ang tadhana, lalo na nga sa bagong magsing-irog na tulad nina Nandi at Ella. Dahil sa isang urgent development sa kanilang business, kinailangang umalis bigla si Ella nang wala man lamang paalam kay Nandi.

Pero ang tapat na pag-ibig ng binata ay hindi basta-basta sumusuko. Tinawagan nito ang pinsang si Romni at nagpasama sa Maynila upang hanapin si Ella. Kinasihan naman ngayon ng tadhana si Nandi at ito’y kanyang natagpuan at muling nabuhay ang kanilang pag-ibig at lalo pang tumingkad.

Ngunit ang tunay na pag-ibig ay sadyang sinusubok at kinakailangang pasahan ang mga ito. Paano mapananatili ang kanilang pagmamahalan sa harap ng pagsubok ng age-old traditions ng dalawang magka-ibang mga kultura? Magtagumpay kaya ang magkasintahan at ang kanilang sweet na interracial love o susuko kaya sila sa mga tradition? Abangan ang ‘kilig to the bones’ na pelikulang ito.

Ang Mumbai Love ay idinirehe ng multi-awarded director na si Benito Bautista at ipinamamahagi ng Solar Entertainment Corporation.

(Emy Abuan)

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *