Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ken, nabastos ni Jake sa pag-eksena sa album promo

AYAW na sana ituloy ni Bea Binene ang post-birthday celebration niya sa Crowne Plaza Hotel noong Wednesday ng hapon pero isang buwan na ‘yun nakaplano at nakapagbayad na bago pa dumating ang mapinsalang bagyo na si Yolanda. Pero may project silang mga produkto ng  TweenHearts na mag-garage sale online sa Instagram at ido-donate nila sa super typhoon victim thru Kapuso Foundation.

Samantala, itinuring na lang ni Bea na Thanksgiving Party ang naganap. Hitsurang debutante ang ambiance dahil tambak ang cakes na makikita at malaking showbiz 16th birthday party ang naganap.

Balitang bago sumapit ang kaarawan ni Bea noong Nov. 4 ay nag-treat siya sa isang hotel sa mga kabarkada niya. Napabalita rin na muling sinuyo ni Jake Vargas si Bea matapos niyang sorpresahin ito.

Halatang okey na sina Bea at Jake sa post-party sa Crowne Hotel. Nandoon din ang mga barkada ni Bea na sina Barbie Forteza, Joyce Ching,Ynna  Asistio, Krystal Reyes, Yassi Pressman, Louise Delos Reyes atbp..

Natawa kami sa mga bagets na ito dahil noong ipakita ang VTR na bumati si Jake ay nagkantiyawan at nagsigawan ang grupo nila. Ganoon din noong ipakita si Kristoffer Martin para kay Joyce at Derrick Monasterio para naman kay Barbie. Nandoon ‘yung tuksuhan at kiligan ng mga bagets, huh!

Kinantahan din ni Jake si Bea ng Forevermore.

Samantala, panay ang banggit na naroon sa party si Ken Chan (na-link din kay Bea) pero hindi naman namin nakita. Balitang sumama ang loob ni Ken sa launching ng second album ni Bea na ginanap sa Harrizon Plaza, Manila noong Nov. 9.

Umagaw kasi ng eksena si Jake samantalang promo ‘yun para sa album ni Bea na may duet sila ni Ken. Ang akala ni Ken ay nandoon lang si Jake para samahan si Bea pero nag-duet sila sa stage ng kantang Mahal Kita, Walang Iba. Pati parents ni Ken ay nag-react dahil nalagay ito sa alanganin at nabastos ang alaga nila.

“Featured artist po ako  sa album ni Bea. Kaming dalawa ang ibinebenta ng PolyEast, tapos biglang magdu-duet silang dalawa. Nagulat din po ako, pero wala naman akong magawa, tumahimik na lang po ako,” pahayag niya sa isang panayam.

‘Yun na!

(ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …