NAGING concerned na nga sa ating bayan ang pamosong CNN anchor na si Anderson Cooper pero sinisiraan pa siya sa social media.
Kung ano-ano mga ibinibintang nila kay Cooper kesyo gay ito at tinatawag pa nila ngayong Pamela Anderson. Ang nakakalokah, may isyu pang nagpunta sa sikat na gay bar diyan sa Roxas Blvd., ang international news anchor. Paano naman nila nasundan ang mga lakad ni Cooper lalo pa’t noong mag-stay siya sa bansa ay mas maraming araw ang ginugol niya sa Tacloban, Leyte para mai-report ang lahat ng mga pangyayari sa sinapit ng mga kababayan nating biktima ng hagupit ng super bagyong si Yolanda.
Saka if ever na true na bading nga si Anderson ano naman ang paki natin? Ang importante ay mabuting tao siya.
Don’t so mean gyud!
CRISTINE REYES AT GABBY CONCEPCION SANDAMAKMAK ANG LOVE SCENES SA “WHEN THE LOVE IS GONE” NG VIVA
In one week time, umabot na sa halos 2 million hits sa Youtube ang full trailer ng ipinagmamalaking pelikula ng Viva Films para sa taong ito na “When the Love is Gone.”
Ibig sabihin ay marami na ang mga nag-aabang para mapanood ang nasabing obra ni direk Andoy Ranay na base sa napanood naming trailer, sa ganda at kalidad ng pagkakagawa nito ay puwedeng i-level sa namayapang si direk Danny Zialcita na may likha ng classic movie noong 80s na “Nang Magalit Ang Buwan- Sa Haba Ng Gabi.”
Inspired dito ang movie nina Gabby Concepcion at Cristine Reyes kasama sina Alice Dixson, Andi Eigenmann at Jake Cuenca na may special participation naman ang isa sa reyna noon ng Viva na si Dina Bonnieve. Naging smooth ang trabaho ni direk Andoy sa kanyang mga artista dahil talagang magagaling silang lahat at hindi pa nag-inarte.
Nang sabihin niya kay Gabby na kailangan niyang magtanggal ng t-shirts at shorts ay walang tanggi ang guwapong actor ganoon na rin si Cristine na ginawa talaga ang siyam na matitinding love scenes nila ni Gabby sa gubat, dagat, swimming pool, kuwarto, kotse etc.
At hindi lang ang mga seksing eksena ang handog ng pelikula kundi ang ganda ng takbo ng istorya nito. Kaaliw rin ‘yung scene na nagtatalakan sina Cristine at dating gay husband na si Jake Cuenca na nag-dialogue ang actress na inggit lang si Jake sa kanya sa title niyang Miss Cubao. Si Alice ang asawa rito ni Gabby at si Andi ang anak nila rito. Naghiwalay sila dahil nahumaling ang actor sa tindi ng alindog ni Cristine na madalas namang away-awayin ng mag-inang Alice at Andi.
Mapapanood na ang “When The Love is Gone” nationwide sa November 27 at may Premiere Night sila sa November 26 sa Glorietta 4 Cinema 3. Abangan rin ang International Screenings ng nasabing romantic drama film na malapit na. Bale part ang movie ng 32nd anniversary ng Viva Films na naghatid sa atin ng mga quality films.
MGA DABARKADS NA TAMBAY NA PANGIT ANG IMAHE, BINIGYANG HALAGA NG EAT BULAGA
Dahil sa bagong segment ng Eat Bulaga na “That’s My Tambay” ay mababago na ang pagtingin ng publiko sa kanila. Kasi hindi naman pala lahat dabarkads nating tambay ay palamunin kundi nagsikap rin naman makapagtrabaho para makatulong sa kani-kanilang pamilya. Tulad ng kuwento ng tatlong kalahok last Tuesday na sina AJ Sanguyo, Ronell Chua at Alence
Tatel. Ang 23 years old at HS Graduate na si AJ ay dating Telemarketer sa isang company at ngayon ay naglilingkod bilang fire volunteer sa kanilang lugar. Si Ronell ng Antipolo City ay 11 months nang tambay pero hindi naman totally tambay dahil tumutulong sa kanyang tatay sa paggawa ng bag. Call Center agent o data encorder ang gusto niyang aplayan. Dating kargador naman ng kopra ang 20 anyos ng Quezon City na si Alence at nag-work rin sa isang Fast Food Chain at ngayon ay nag-a-apply uli ng trabaho. Si AJ o Alvin Jay ang itinanghal na winner noong araw na ‘yun na nagpakita siya ng galing sa pagsayaw. Tumataginting na P20K plus Extreme Magic Sing ang napanalunan nito samantala P5K each naman ang tinanggap nina Ronell at Alence. Abangan ang mga susunod pang kalahok at pakinggan ang kuwento ng kanilang buhay.
Peter Ledesma