ANG saya-saya ni Aga Mulach dahil airing na sa TV5 ang bagong game show niya, angLet’s Ask Pilipinas. Wow! Back to handsome si Aga na mukhang promdi, makinis na siya, Tisoy na Tisoy na siya at slim na slim. Wala ang na ang haggard at laylay na bilbil.
Nag-workout ang actor dahil sa bagong game show niya na bumagay ang aura sa pagiging host. Kasi naman naging busy siya sa eleksiyon na sinalihan niya sa Sorsogon bilang Congressman, na loose Valdez.
Nagpo-pro testa ba si Aga? Kasi yata may naganap na dayaan? Well nasa kanya na ‘yan. Do what you think is right. Basta showbiz pa rin ang aura mo. Alagang kapatid si Aga kaya lalong boom ang TV shows niya sa Cinco!
Mag-alay po tayo ng panalangin sa mga biktima ni Yolanda
MEDYO depressed ako these past 2 or 3 weeks, ‘di ako makatrabaho nang maayos. Awa ng Diyos itong sakit ko na diabetes at BP alaga at tutok at medicine of course ang aking kailangan, kaya lang kahit menopause ka na rereglahin ka sa kamahalan ng gamot na nilalaklak ko.
So far, almost four months na aside sa mga maintenance na pang-diabetes. Okey naman at nakaka-relieve may sakit pero grabe rin ang lafang, pili, masustansya, maprutas, magulay (na masusuka ka na perokailangan ng katawan) at mga pagkain na hindi ko kinakain pero kainin mo ngayon para dugtong buhay, ‘yang gatas duwal na duwal ka na pero need ng buto me. So far, up and down ang aking sugar count at ang BP parang see-saw ang dalawang ‘yan. At least may nagbabantay sa akin, apo at pamangkin. Okey na rin! Pero sa Diyos pa rin the Holy Almighty ang DIVINE HEALER. Hindi kompleto ang medicine mo without praying. Sama din dito si Saint Padre Pio of Pietrelcine Capuchin, St. Jude the Healer and other Saints na siyang pinagkukuhanan ko ng lakas sa ikagagaling ng aking sakit. Salamat po!
Pero na-depressed ako sa nangyari sa dako ng Bohol, Iloilo, at Cebu and other parts of Visayas province. ‘Yung lindol grabe! Naranasan ko kaya ‘yan may ilang taon na ‘yun elementary days ko pa lumindol ng malakas sa Maynila at building sa may distrito ng Sta.Cruz nagtumbahan. Kaya feel na feel ko ang takot at depression ng mga taga-Bohol sa lindol na nangyari sa kanila na maraming namatay. Tapos two weeks after ang super typoon na si Yolanda naman na ‘di mo akalain na napakabagsik niya, babae pa naman.
Libo ang pinatay niya na lahat halos hindi nabigyan ng decent burial. Bata, matanda, babae, lalaki mga alagang hayop, nakikita sa screen ng TV sa kanilang coverage. ‘Di ako nandire or nasuka kesehodang kumakain ako. Naiyak ako sa awa sa mga bangkay. Ipagdasal natin sila, ang mga bahay, buildings, mga pananim at iba pang ari-arian wash out ! Bakit ‘di ka manlalambot!
Huwag nating kalimutan ipagdasal ang mga namatay na biktima ni Yolanda. One Our Father, one Hail Mary for their souls at sambitin natin ang little prayers for the soul ang Eternal Grant unto Souls Oh Lord Upon Them! May their souls rest in peace! Amen!!!
Ipagdasal din ang mga nakaligtas sa malupit na trahedya na makabangon sila at magsimula ulit. Hindi muling mangyayari sa ating bansa ang ganyang malakas na unos. Huwag nating sisihin ang ating DIYOS. Mahal niya tayo! Huwag nating itanong sa kanya kung bakit dumating sa inyo ang ganitong uri ng kalupitan kasi may ilan na nagsasabi na baka raw may mga dapat pagbayaran ang mga taong naging biktima ng unos na si Yolanda. No! Basta pray natin na makakain ang mga nagugutom na kababayan natin sa Visayas Province na gumaling ang mga nagkasakit at ang mga bata alagaang mabuti at makabalik sa paaralan. God Bless you all children of God! Mabuhay!
Showbiz Police, ‘di pa tigbak sa ere
NOPES! Hindi po tigbak ang Showbiz Police ng TV5. Isang talk show na pinangungunahan ng mga host na sina Cristy Fermin, Cong. Lucy Torres-Gomez,Direk Joey Reyes, Raymond Gutierrez at ang tatlong magagandang field reporters na sina MJ Marfori, Dani Castano, at Divine Lee. Magbabawas yata ng host at dinig namin si Richard ang main stay host.
Of course si Cristy na beterana ng maituturing pagdating sa pagho-host ng talk shows. Kung tutuusin siya ang Inday Badiday, ang orig atmaster of talk shows na her time! So far Showbiz Police pa rin siya.
Letty G. Celi