DAHIL sa tagumpay ng Philpop 2013, masayang inihayag ni Executive Director Ryan Cayabyab na opisyal na nilang binubuksan ang Philpop 2014 songwriting competition. Ibig sabihin, tumatangap na ang Philpop Music Foundation ng mga entrie. Ito’y sinimulan nila noong Noyembre 15 at tatanggap hangang February 28, 2014. Para sa ibang detalye bisitahin ang kanilang website—www.philpop.com.ph..
Ang competition ay bukas para sa mga amature at professional songwriter na Pinoy, mga song entry na nasusulat sa popular o new song genre, o fusion, o in any form o structure, in Filipino, a Philippine regional language, a Philippine dialect, Ingles, o kombinasyon ng kung anuman.
Kailangan lamang na ang mga kantang isusumite ay original lahat. Hindi iyon pagmamay-ari ng iba o sinuman o nai-print na o nai-distribute na. Hindi rin ito dapat nai-record na or nakanta sa ilang pagtitipon o anumang venue.
Ayon kay Mr. C., “the success of the 2013 competition and album is a tough act to follow but I am confident that on our 3rd year of pushing the Pinoy’s musical creative buttons through this most important songwriting competition, the quality of songs will continue to elevate.”
Na siya namang tunay, dahil ang Dati, na siyang 2013 winning entry na inawit nina Sam Concepcion, Tippy dos Santos, at Quest, at isinulat ng magagaling na R&B duo na sina Thyro Alfaro at Yumi Lacsama ay mayroong 12 million views sa Youtube, mula sa 21 million views sa kabuuang mga kanta ng Philpop 2013. Madalas din itong pinatutugtog sa mga radio station.
Kaya sa mga nagnanais magkaroon ng career bilang musician, sali na kayo sa Philpop 2014. Ang Philpop ay sa pakikipagtulungan na rin ng Meralco, Smart, gayundin ng Maynilad, PLDT, at TV5.
Maricris Valdez Nicasio