Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina, pinagbakasyon daw ng 2 weeks, ‘di sinuspinde

SUSPENDIDO nga ba si Korina Sanchez o bakasyon lang?

Ito ang iisang tanong ng bayan tungkol kay Korina dahil simula raw noong Biyernes ay hindi na siya napanood sa TV Patrol at napakinggan sa radio program nito.

Base naman sa official statement ng manager ni Korina na si Ms Girlie Rodis na ipinadala sa amin ng publicist niyang si Chuck Gomez ay naka-deploy daw ang ibang anchors sa mga probinsiyang nasalanta ng bagyong Yolanda.

“Nasa field po si Korina since late/mid last week, she was in Bohol and was about to go to Tacloban but management didn’t allow her team for security reasons.

“She was diverted to Ormoc (City) to cover and do relief. This week, she’s off to Capiz, Iloilo, Palawan and Zamboanga.

“Naka-deploy po kasi mga reporter and anchor of ‘Patrol’ sa field/site. They take turns like Noli (de Castro) na wala rin sa studio at radio, he is also on field.”

Samantala, may ibang isyu naman kaming nalaman muna sa news department ng ABS-CBN tungkol sa pagkawala ni Korina.

”Hindi naman suspendido, she was advise to have a vacation muna for two weeks, hindi totoong one week,” ito ang pagtatapat sa amin ng aming source sa News Department ng ABS-CBN.

At iba raw ang pagkakaiba ng pinakiusapang magbakasyon sa suspendido.

“When you say suspended kasi, walang suweldo ‘yun, ‘pag pinakiusapan kang magbakasyon, you are being paid pa rin, so magkaiba ‘yun. Officially, hindi suspendido si Korina (Sanchez), bakasyon siya for two weeks,” paliwanag mabuti sa amin ng aming espiya.

Ilang araw ng kumakalat sa social media na sinuspinde ng ABS-CBN management ang kilalang News Anchor ng TV Patrol na si Korina dahil sa maanghang na pahayag nito sa ulat ni CNN correspondent Anderson Cooper sa mga nangyari sa bagyong Yolanda sa Tacloban City.

Hindi nagustuhan ng netizens ang reaksiyon ni Korina sa programa nito sa radio at dito na nagkaroon ng baliktaktakan sa kanila ni Anderson.

Pero ayon pa sa aming kausap ay, “tuloy ang ‘Rated K’, ha, sa news at radio lang siya bakasyon.”

Ang ka-boses daw ni Korina na si Jasmin Romero ang pansamantalang kapalit nito sa TV Patrol simula pa noong Biyernes
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …