BILIB at saludo kami kung sa bilib at saludo sa pag-ayuda ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang pagtulong din sa mga biktima ng Yolanda. Maganda naman kasi ang kanilang layunin at intensiyon, lalo’t ang ina ni Daniel na si Karla Estrada hails from Palo, also one of the worst hit towns in the province of Leyte.
Sang-ayon kami sa pangangalap ng mga donasyon ni Daniel mula sa kanyang mga ineendosong patalastas. Undeniably, among the young male celebrities, this showbiz scion probably has the most number of commercial endorsements: from instant coffee to fast food chain to bread spread to what have you.
Hindi man kasi kalampagin ni Daniel ang mga kompanyang ‘yon, on their own ay tiyak namang bukas-palad ang mga ito para ipaabot ang kanilang mga tulong. After all, mga pagkain ito na kailangang-kailangan ng ating mga kababayang kumakalam ang mga sikmura.
But this we cannot take.
Must Daniel and Kathryn tap the help of their fans? Ano ‘yon, wala na bang nanggaling sa mga mismong bulsa ng mga bagets na ito sa sobra-sobra ang kinikita, at kinailangan pa nilang manawagan sa kanilang mga tagahanga?
Akala namin—base na rin sa naiulat noon—na wala nang ginawa si Karla kundi magbilang ng perang kinikita ng kanyang anak, yet ipinanghingi lang pala ni Daniel ang mga ido-donate nito sa mga biktima ng sakuna?
Ano lang ba ang kapasidad ng fans ng dalawang bagets? Most, if not all of them are mass base. Baka nga sa antas ng kanilang pamumuhay, they also deserve to get relief goods themselves, tapos, sila pa ang hiningan ng loveteam na ito, at tumalima naman sa panawagan ng kanilang mga idolo?
So, ang mga bayani tuloy sa paningin ng mga biktima ay ang mga artistang tulad nila? Gayong ang mga totoo namang nagpakahirap ay nagkataon lang na nasa mga lugar na hindi pinadapa ni Yolanda, pero nangangailangan din?
Acts of charity at the expense of their fans? Mismo!
Ronnie Carrasco III