STILL at the height of the relief operations para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda, an OFW-friend tagged a photo on Facebook na makikitang nakasupot ang mga relief good na ipinamamahagi ni Vice President Jejomar Binay with his name and title on the plasic bag.
Siyempre, umani ‘yon ng maraming negatibong comments. And honestly, hindi rin namin napigilan ang aming sarili by posting a comment in concurrence na sa panahong ito ng kalamidad ay isantabi muna sana ang pamumulitika.
Sa pagdaraos ng nagdaang ika-18 anibersaryo ng Startalk nitong Sabado, off camera’y nagkakahuntahan ang mga host nitong sina Joey de Leon, Ricky Lo, at Lolit Solis, each of them sharing his thoughts about how this natural disaster—unfortunately—has been tainted with politics.
Mismong kay Tito Joey namin nalaman na sinadyang ipinost lang daw ang supot ni Binay when, in fact, the country’s VP has never distributed relief goods packed in plastic bags that bear his name and title. Posible raw na kagagawan ito ng mga hindi kaalyado ni Binay (ang PNoy administration) aimed to discredit him.
Nakalulungkot na nagiging isa nang political issue ang isang kalamidad, when it’s supposedly a national concern of paramount importance na walang puwang dapat ang pamumulitika.
Sadly, as it obviously appears, kanya-kanyang papogi at paganda points a la Mr. and Ms. Universe ang sistema na dapat sana’y mas inuuna ang kapakanan ng mga mamamayan kaysa mga pansariling interes ng ilang politiko sa ilalim ng anila nga’y pinakamahinang liderato.
Ronnie Carrasco III