Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Philpop 2013 songs, hit sa Youtube, ITunes

SOBRA nga ang tagumpay na tinamo ng Philpop 2013 kaya ngayon pa lang, sinimulan na ngPhilpop MusicFest Foudantion ang pagtanggap ng mga bagong piyesang maisasali saPhilpop2014.

Sa nagdaang Philpop2013, maski na ang mga tao sa likod ng nasabing campaign eh, nagulat sa tinamasa nitong suporta sa mga listener at halos lahat ng mga kantang naging kalahok eh, nagkaroon ng airplay sa radio station at sige ng kaka-upload sa YouTube at iba pang mga channel sa internet.

Sabi nga ng Philpop executive director na si Maestro Ryan Cayabyab, ngayon lang nangyari na ang nagwaging piyesa eh, ”Hindi lang magandang kanta kundi isa ring hit na kanta. Mula pa ng time ng ‘Kay Ganda ng Ating Musika’ in 1978, ngayon tinangkilik ang ganda ng winning piece na ‘Dati’ na in-interpret nina Sam Concepcion, Tippy Dos Santos and Quest. Kaya para sa susunod na taon, we are encouraging everyone to make more songs that are inspiring and at the same time, educating. Phenomenal ang naging tingin namin dito ngayon. Kasi, hindi lang ‘Dati’ ang tinangkilik kundi pati ang ibang kanta like ‘yung ‘Sana Pinatay Mo na Lang Ako’ na kinanta ni Kimpoy Feliciano and ‘yung ’Sa ‘Yo Na Lang Ako’ ni Lara Maigue. Na isasama naman ni Regine (Velasquez) in her forthcoming album plus ‘yung ‘ Araw, Ulap, Langit’. And ‘yung Sa ‘Yo Na Lang Ako, was used as the theme song of a TV5 teleserye, ‘yung ‘For Love or Money’.

Matutuwa ka nga raw sa pagyakap ng Pinoy listeners and music lovers sa nasabing mga kanta. At kung paano rin silang nagku-connect sa mga Philpop song kaya naman ganito pa lang kaagad, binuksan na ng Philpop ang kanilang website para sa mga nagnanais na sumali at ibahagi ang kanilang mga inspirasyon sa mas marami pang awiting pwede nilang ibahagi sa ating mga kababayan—lalo sa panahong ito na ang bawat inspirasyon nila ay magagawa pang movie or TV theme songs, pati na titulo ng pelikula o TV soap.

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …