NAAWA naman kami sa nag-iisang Superstar na si Nora Aunor dahil sa kumakalat na balita na humingi ng tulong sa isang magaling na lawyer dahil pinalalayas na umano sa tinutuluyan niya? True ba na hindi on time ang bayad ni Ate Guy?
Nasaan ang mga milyong kinita ni Ate Guy sa TV5? Ang alam namin may nagtatago ng pera bukod sa allowance niya na naka-budget para gastusin niya kung saan niya gusto.
Sa true lang, pabolosang aktres si Ate Guy at hindi maramot. Balita nga namin, ‘yung mga TF niya sa indie film na nagawa niya ay ginawa lang niyang pampa-last day sa mga staff ng mga pelikulang nagawa niya.
Matulungin siyang tao kaya nakalulungkot ‘pag napapabalitang nagkakaproblema siya pambayad lang ng inuupuhan niyang condo, huh!
Roldan Castro