Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Nay Lolit, kumulo ang dugo sa isang TV scriptwriter

NAGSULPUTAN na lahat ng uri ng social media sa makabagong panahon, pero kahit noong mauso ang Friendster, the precursor of what is now known as Facebook, ay hindi nakisabay sa teknolohiya si Lolit Solis. How much more ang Twitter, Instagram at kung ano-ano pa that followed suit.

Good thing, ‘Nay Lolit has techie friends na siyang naghahatid sa kanya ng ilang mga naka-post sa social media most specially when these concern her artists tulad na lang ni Senator Bong Revilla.

Hindi na namin babanggitin ang pangalan ng isang TV scriptwriter na literal na nagpakulo ng dugo ng manager when the former posted on either her Twitter or Instagram account na dapat na raw mag-resign ang mga kapwa niya Kapusong senador.

When informed about the post, agad itong ikina-high blood ni ‘Nay Lolit who had to call her friends para makuha ang contact number ng manunulat. Dahil hindi rin bihasa ang TV host-manager sa pagte-text, idinikta na lang niya ang mensahe addressed to the writer kung puwede ba niya itong makausap.

The edgy ‘Nay Lolit couldn’t wait, kaya tinawagan na niya ang numero. Kaso, text lang daw ang maaaring tanggapin sa cellphone, hindi tawag. Her fury increased even more.

When finally ay nakausap na niya ang writer, sagot naman nito’y hindi siya maaaring kausapin ni ‘Nay Lolit as she (the writer) was with her daughter watching a movie ng mga sandaling ‘yon.

Still, it did not appease ‘Nay Lolit. Pagabi na raw kasi nang pagabi that she needed to talk to the writer. Eto ang paliwanag niya sa amin base sa pag-uusap nila ng manunulat: ”Sinabi ko sa kanya na okey lang na magkaroon tayo ng kanya-kanyang opinyon (sa pork barrel na kinasasangkutan ng ilang mambabatas). May liberty naman tayong magsalita. Eh, ang ipinost mo roon, ‘To my fellow Kapuso senator, resign!’ Kesyo si Tito Sotto rin naman daw, eh, Kapuso rin, hmp!”

Dagdag pa ni ‘Nay Lolit, ”Mapapalampas ko na ‘yon, eh. Ang kaso, sabi ko sa kanya, ‘As if naman, eh, hindi mo nakatrabaho si Bong, ‘di ba, ikaw ‘yung sumulat ng isa niyang show sa GMA?’ I mean, wala man lang ba silang pinagsamahan niyong tao?”

Maaaring sa iba ay hindi katanggap-tanggap ang ginawang pagdepensa ni ‘Nay Lolit sa senador. Habang ang taumbayan nga naman ay galit na galit sa ilang mga lehistrador na umano’y kakuntsaba ng itinuturong utak sa PDAF scam na si Janet Napoles, here’s a woman who seems to be glorifying these lawmakers.

Pero alam naming mga taga-showbiz kung saan din nanggagaling si ‘Nay Lolit. Higit pa sa inaalagaang artista ang tingin niya kay Bong at sa pamilya nito. Halos kadugo na ang turing ng manager sa mag-anak na ito na hindi rin naman siya iniwan sa ere noong masangkot siya sa Manila filmfest fiasco noong 1995.

Ipagpalagay na natin—for the sake of argument—na guilty nga si Senator Bong sa mga paratang sa kanya, should his friends turn away from and abandon him?

Should an enemy of the State also be his friend’s enemy? Ayaw ni Suzette Ranillo at ni Dr. Manny Calayan ng ganyan!

Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …