Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Korina at VP Binay, binatikos sa pamomolitika (Korina, sinuspinde ng ABS CBN?)

MARAMI ang nagtutulong-tulong ngayon upang muling maka-bangon ang mga lugar na sina-lanta ng Bagyong Yolanda na isa sa pinakamalakas na tumama sa ating bansa. Sabi nga, may kanya-kanyang kuwento ng kabayanihan, human drama at pagmamalasakit sa kapwa ang nakita at lumutang habang nangyayari ang mga kaganapang ito.

Sa showbiz world, nakatataba ng puso na mga TV networks tulad ng ABS CBN, TV5, GMA-7 at iba pa ay nagsagawa ng kani-kanilang telethon at fund raising event upang makalikom ng pondo at maibigay sa mga kababa-yan nating sinalanta ng bagyo. Ang mga artista naman natin, sa kanilang indibidwal at sariling kusa ng pagtulong ay nakitaan din ng nakabibilib na pagkilos at pagdamay sa mga kababa-yan natin.

Partikular na nakabibilib sa laki ng ibinigay na donas-yon sa mga biktima ng Yolanda sina Willie Revillame at Sharon Cuneta na kapwa nagbigay ng tig-10 milyon pisong donasyon. Si KC Concepcion naman ay P5 milyon ang ibinigay, kaya masasabing like mother like daughter sila ni Megastar. Si Angel Locsion ay nagbigay naman ng kotseng ipana-auction.

Marami pang mga artistang nag-fund raising, nag-garage sale, at nagbenta ng kung ano-ano para lamang makalikom ng pangtulong sa mga nabiktima ni Yolanda.

Gayonman, may mga na-ging nega rin naman sa mara-ming tao. Kabilang dito sina Ms. Korina Sanchez at VP Jejomar Binay.

Napitik nang gusto ng mga netizen si Korina nang magkomento siya sa kanyang programa sa DZMM sa umano’y na-ging pahayag daw ni Anderson Cooper ng CNN ng pagtuligsa sa gobyerno ng Pinas dahil sa palpak na pag-handle sa relief operations at pag-rescue sa pagtulong a mga biktima sa ma-tinding kalamidad na ito.

Sinasabi ng marami na hindi dapat umiral ang pagiging bias ni Korina habang ginagampa-nan ang kanyang tungkulin dahil nandoon siya sa DZMM bilang miyembro ng media at hindi asawa ni DILG Secretary Mar Ro-xas. Na pati ABS CBN daw ay nadadamay dahil sa pagiging bias ni Korina at ito raw ay nakaaapekto sa kredibilidad ng estasyon na kanyang inire-represent.

Pati ang pagsulpot sa social media ng mga tsinelas na may tatak na Korina-Rated K ay kumalat din sa internet. Although hindi tayo nakatitiyak kung bago nga ang picture na iyon o dati na at kung ito ay ipinamigay din sa mga biktima ng bagyong Yolanda o pinaglaruan lang ng mga henyo at intrigero sa internet.

Isa pang kumalat na balita ay ang pagsuspinde raw ng ABS CBN ng one week kay Korina, pero pinalalabas lang daw na nagbabakas-yon ang sikat na news anchor at TV host. Although, ang balitang ito ay hindi kom-pirmado.

Si VP Binay naman ay nakatikim ng batikos nang lumabas din sa social media ang mga package ng relief goods na mayroong pa-ngalan niya.

Ayon naman sa kampo ni VP Binay, ang naturang relief package na may Binay sticker ay mula raw sa supporter ng Bise Presidente na taga-Iloilo.

Subalit ang buwelta naman ng netizens, malinaw na palusot lang ito dahil paano nakakuha ng stickers na Binay ang supporter ni-ya? Isa pa, may naretratohan din na truck na may dalang relief goods na may tarpaulin pa ng nakangiting photo ni VP Binay. Kaya obvious daw na talagang ibi-nabando ng kampo ni Binay na namimigay sila ng relief goods para sa kanyang pansariling political interest.

Well, nasanay na yata kasi ang mga trapo o politician na kapag nagbibigay sila, kaila-ngang ipaalam o i-broadcast sa madla, para may extra pogi points sila. Pero this time, nag-backfire at lumatay nang husto kay VP Binay.

Hopefully sa susunod, isip-isip din muna po kapag gustong magpapogi. At sana kung tutulong, dahil gusto talagang maibsan ang paghihirap ng mga biktima ng kalamidad at hindi dahil sa target na boto sa darating na eleksiyon.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …