ISANG halimbawa sa programang ipinakita nina Megastar Sharon Cuneta at Ogie Alcasid, angThe Mega at Songwriter tungkol sa pakikiisa at pagtulong sa binagyong mga kababayan. Iba’t ibang donations ang tinipon nila sa pamamagitan ng mga tawag ng mga matutulunging kababayan.
Ilan sa mga tumulong ay galing sa ibang bansa. Maging si Aga Muhlach ay tumanggap ng tawag na magbigay tulong sa mga biktima ni Yolanda.
Nabanggit ni Aga na nalulungkot siya dahil two weeks bago ang bagyo ay dumalaw pa siya sa Bohol at Tacloban. Nakarating na rin doon si Sharon kaya na-depressed siya. Umabot sa P23-M ang nalikom nila in more than three hours lamang mula sa mga nagbigay tulong.
Touched nga si Sharon sa isang tumawag na kung pwede raw mag-donate ng P300. Sabi ni Mega, kahit anong amount ay maaari, basta makadaragdag tulong sa mga biktima.
Maging si Congresswoman Lucy Torres ay lumipad papuntang Ormoc, para dalawin at bigyang tulong ang mga kababayan. Bakit kaya si Congressman Imelda Marcos, hindi namin naririnig? Mga kababayan pa naman niya ang biktima sa Tacloban.
Si Luke Mejares man ay nangalap din ng tulong para sa kanyang mga kababayan sa Bohol. Sana, yung mga nagpapataasan ng buwis sa BIR ay mabasa rin naming ang mga pangalan na nagbigay ng donation sa mga sinalanta ng bagyo.
Vir Gonzales