MARAMING mga turista ang dumarayo sa Davao City para sa magagandang tanawin doon, matikman ang pinakamatamis na suha, makabili ng mga telang habi sa seda at ang ‘di kabanguhan pero masarap na prutas na Durian.
Ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m., dadalhin kayo ng GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes Todo Na ‘Toh (GRR TNT) sa malalawak na pataniman ng Durian. Ipakikita rin ang proseso mula pagtatanim, pangangalaga para taglayin nito ang “export quality”, pag-ani at paglalagay sa mga matitibay na kartong kahoy para ‘di mabugbog sa biyahe ‘di lang sa buong Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Sisilipin din natin ang mga Davaeno na gumagawa ng “by products” ng prutas na ito tulad ng candy, jam, chips, at yema.
Dalawang problemang pangkagandahan ang bibigyang-solusyon. Una’y ang “skin whitening” o pampaputi na masasaksihan sa mga cosmetic salon. Ikalawa’y ang pagnipis at pagkalugas ng buhok na ang idedemo ni Mader ay paglalagay ng “wig” o peluka na yari sa buhok ng tao o “haman hair.”
Itatampok din ang mga henyong Pinoy na “animators” at gumawa ng pangalan sa ibang bansa sa paglikha ng mga superheroes at cartoon characters na matutunghayan sa mga komiks at magasin at mapapanood sa pelikula at telebisyon.
Dahil nalalapit na ang Pasko’y marami ang ngayon pa lang ay naglalagay na ng mga dekorasyon sa loob at labas ng kani-kanilang bahay. Samahan natin si Mader RR sa pagbisita sa mga ito. At siyempre, may tip din ang ating host-producer kung saan makabibili ng magaganda pero kaya ng bulsang palamuti.
Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision. Tutok lang dahil basta usapang pangkagandahan, pangkalusugan, pangkabuhayan, fashion, napapanahong sosyalan , at pangyayari sa ating kapaligiran … Mader Ricky knows best.