Sunday , December 22 2024

Nora nangangampanya sa CCP at NCCA (Karugtong noong Biyernes)

MIYERKOLES, Nobyembre 13, 2013, dumalo kami sa presscon ng “San Andres B.,” ang operang sinulat ng National Artist na si Virgilio Almario (Rio Alma) na dating alagad ni Imelda at ng rehimeng Marcos. Santo na ba ang bayaning si Andres Bonifacio o San Andres Bukid?

Sa direksyon ni Floy Quintos at nilapatan ng musika ni Jacinto Chino Toledo, sino ba naman ang di maiintriga at mai-excite sa bagong obra ng Tanghalang Pilipino.

Nasa kalagitnaan ng presscon nang tahimik na dumating ang nagpapa-demure na Nora Aunor kasama ang mahinhing mamasang nito na si Ricky Lee.

Aba! Talagang nangangampanya ang National Con Artist sa gitna ng mga taga-CCP at NCCA, ang mismong grupo na siyang may kinalaman sa pagnominate ng mga ituturing (magkano?) na NA kuno.

Sandali lang dumaan ang “presence” ng mga mukhang nagaapi-apihang “mag-ina” (mag-ina raw o!), pero may kakaibang bagyo akong naramdaman at may dalangmasamang hangin.

Paglingon ko ay paalis na ang dalawang “himala” o “walang himala” na produkto ni Imee Marcos ng dating ECP. At mula sa mikropono na nasa panel ay nagbigay-pugay si Nanding Josef , sabay sabing “Mga Noranian kami lahat dito!”

“Ikaw lang!” ang sagot namang nakaingos mula sa upuan at mesa ni Ibarra Mateo, ang foremost current theater chronicler mg media

And we completely agree.

Siyangapala, ang operang San Andres B. ay magkakaroon ng world premiere sa Tanghalang Aurelio V. Tolentino (Little Theater), CCP, sa Nobyembre 28, 2013, 8ng gabi. Ito’y para sa paggunita sa ika-150 taong kapangakan ng Pambansang Bayani.

Teka, bigla akong na-excite sa binanggit ni Rio Alma na merong ilulunsad na pagbabago sa ating talang-pangkasaysayan “merong movement na isusulong na si Andres Bonifacio ang unang pangulo ng republika at hindi si Aguinaldo….”

BASURA NA ANG ‘NATIONAL ARTIST’

AFTER Eddie Romero and the Carlo J. Caparas’s fiasco, talagang basura na at di-katiwa-tiwala ang National Artist ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Sabi pa nga ni Senadora Miriam Defensor-Santiago, panahon na upang i-rehab ang buong sistema natin.

There’s a wholesale SYSTEM BREAKDOWN sa lahat ng sangay ‘di lang ng gobyerno kundi sa buong lipunan. Mula sa Malacanang, Kongreso, at Justice Department hanggang sa kultura, sining at siyensiya ng buong bansa, pati na ang militar at simbahan.

Ang lahat ay bulok na at patuloy na nabubulok pa, kaya isang malaki at malawakang wake-up call ang nangyaring kalamidad na dulot ng lindol sa Bohol at bagyong Yolanda—before, during and  after.

Everything in our society needs rescue, relief and rehabilitation NOW! Hayan nga at nasalanta na ang buong Kabisayaan at ang iniisip at pinagkakaabalahan pa ng CCP at NCCA ay ang pagbibigay-pugay sa mga addict, sugarol at pabaya sa kanilang pamilya, trabaho at lipunan. Mag-Lotto at magsugal na lang sila sa Macau.

Tama na ang paawa-awa, inaapi-api kuno at lubha nang gasgas at kumita na nang husto ang “Underdog Act” ng mga tomboy at bakla. Ano ito, “aliwan paradise” at entertainment para sa lalo pang nalulugmok na mga mahihirap at nasalanta ni Yolanda?

“Let them eat cake!” ang pamoso pa ngang sabi ni Marie Antoinette sa gitna ng mga nagugutom at naghihingalong kababayan sa madugong panahon ng French Revolution noong circa 1789.

“Give them entertainment!” naman ang pamosong linya na tila laging sinasabi noon ni Imeldefic ng “The True, the Good and Beautiful” sa mga Pilipinong nalulugmok ng Martial Law ni Marcos noong 1970s at 1980s. Resulta, “The  False, the Bad and the Ugly” sina Imee at Bongbong!

At ngayon, ang isinusulong naman ng CCP at NCCA  nina Jun de Leon at PNoy ay “Give them National Artists!” upang  magbunyi ang lalo pang naghihirap at nagugutom na mga Pilipino.

Sana, tamaan ng kidlat at bagsik ng isa pang lindol at Yolanda ang mga tiwali sa Malacanang, Kongreso, CCP, NCCA at iba pa sa gobyerno at lipunan! Tama na!

Kawawa naman si Nora at namamalimos ng award sa CCP at NCCA. Hirap na  nga sa kasusugal sa Macau ay ginagawa pang timawa ni Jun sa NCCA.

SCREENING NG SPARKLING STARS FOR 3RD MOVIE

‘DI pa man nakababawi sa naunang dalawang pelikula nila ay heto na naming ang kagkadugong producers na sina Shubert dela Crtuz at Johnny Mateo at may screening ng talents sa Las Pinas residence ni Shubert.

Actually, parang “go-see” activity lang ito para sa casting ng pangatlong pelikula nila na pamahahalaan ni Edz Espiritu, whoever he is. Three in a row ba  ito, as in Strike Three?

After “Potpot” and “Daniel,” saan kaya patutungo ang “Hobla” (sumasalamin sa nga estudyante na ang pananaw sa sa paaralan ay hindi paaralan)  ng Sparkling Stars Productions? Sana ay pagtuunan ng pansin ang script ng third project nila at pati na rin ang buong direksyon ng pelikula. ‘Di na birong pera at panahon ang ginugol nina Shubert at Johnny, kaya it’s about time they shaped up in every way.

Ano ba talaga ang pakay nila sa indie filmmaking? That’s the first and necessary question that should provide the entire production with the food for thought, starting today  sa cast screening nila hanggang sa matapos ang bago nilang pelikula. And onwards!

***

PERSONAL: Nakikiramay kami sa angkang Nable at Amoyo, ng Hilabaan, Dololres, Eastern Samar, sa trahedyang dumapo sa  pamilya,  na walo sa kanilang kaanak ay kasama sa libo-libong namatay sa pananalasa ni Yolanda sa Lungsod ng Tacloban. Dalawang mag-asawa, dalawang apo,  at isa lang ang nakaligtas si, Cynthia at ang katawan ni Inday Amoyo ay hindi pa rin makita hanggang ngayon.

At hindi rin naligtas ang aming bahay-kubo sa Hilabaan, Dolores, Eastern Samar, na ayon sa huling balita ay natanggalan ng bubungan. C’est la vie.

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *